Mateo 26:26
Ang Biblia (1978)
26 (A)At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan.
Read full chapter
Mateo 26:28
Ang Biblia (1978)
28 Sapagka't (A)ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos (B)dahil sa marami, (C)sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
Read full chapter
Marcos 14:22-24
Ang Biblia (1978)
22 At samantalang sila'y nagsisikain, ay (A)dumampot siya ng tinapay, at nang kaniyang mapagpala, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, at sinabi, Inyong kunin: ito ang aking katawan.
23 At siya'y dumampot ng isang saro, at nang siya'y makapagpasalamat, ay ibinigay niya sa kanila: at doo'y nagsiinom silang lahat.
24 At sinabi niya sa kanila, Ito'y ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami.
Read full chapter
Lucas 22:19-20
Ang Biblia (1978)
19 At siya'y dumampot ng tinapay, (A)at nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito'y aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.
20 Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo.
Read full chapter
1 Corinto 11:23
Ang Biblia (1978)
23 Sapagka't (A)tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na (B)ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay;
Read full chapter
1 Corinto 11:27
Ang Biblia (1978)
27 (A)Kaya't ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978