Add parallel Print Page Options

51 Ako ang tinapay na buhay (A)na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailan man: oo at (B)ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, (C)sa ikabubuhay ng sanglibutan.

Read full chapter

53 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (A)Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili.

54 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw.

55 Sapagka't ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.

56 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan (B)sa akin, at ako'y sa kaniya.

Read full chapter