Add parallel Print Page Options

42 (A)At nang araw na, ay lumabas siya at naparoon sa isang ilang na dako: at hinahanap siya ng mga karamihan, at nagsiparoon sa kaniya, at pinagpipilitang pigilin siya, upang huwag siyang humiwalay sa kanila.

43 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Dapat namang ipangaral ko sa mga ibang bayan ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios: sapagka't sa ganito ay sinugo ako.

44 At siya'y nangangaral (B)sa mga sinagoga ng Galilea.

Read full chapter

Nangaral si Jesus sa mga Sinagoga(A)

42 Kinaumagahan, nagtungo si Jesus sa ilang na pook. Hinanap siya ng mga tao. Lumapit sila sa kanya at pinipigilan siyang lumayo sa kanila. 43 Kaya't sinabi niya sa kanila, “Kailangan ko ring ipangaral sa ibang bayan ang mabuting balita tungkol sa paghahari ng Diyos sapagkat isinugo ako para rito.” 44 At siya ay nangaral sa mga sinagoga ng Judea.

Read full chapter