Add parallel Print Page Options

35 At (A)nagbangon siya nang madaling-araw, na malalim pa ang gabi, at lumabas, (B)at napasa isang dakong ilang, at doo'y nanalangin.

36 At si Simon at ang kasamahan niya ay nagsisunod sa kaniya;

37 At siya'y nasumpungan nila, at sinabi sa kaniya, Hinahanap ka ng lahat.

38 At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon tayo sa ibang dako ng mga kalapit na bayan, upang ako'y makapangaral din naman doon; (C)sapagka't sa ganitong dahilan ako'y naparito.

39 At siya'y pumasok (D)sa mga sinagoga nila sa buong Galilea, na nangangaral at nagpapalabas ng mga demonio.

Read full chapter