Add parallel Print Page Options

Iba't ibang palagay tungkol sa buhay at kaugalian.

18 Ang humihiwalay ay humahanap ng sarili niyang nasa,
At nakikipagtalo laban sa lahat na magaling na karunungan.
Ang mangmang ay walang kaluguran sa paguunawa,
Kundi maihayag lamang (A)ang kaniyang puso.
Pagka ang masama ay dumarating, dumarating din naman ang paghamak,
At kasama ng kutya ang pagkaduwahagi.
Ang mga salita ng bibig ng tao ay parang malalim na tubig; Ang bukal ng karunungan ay parang umaagos na batis.
(B)Igalang ang pagkatao ng masama ay hindi mabuti,
Ni iligaw man ang matuwid sa kahatulan.
Ang mga labi ng mangmang ay nanasok sa pagkakaalit,
At tinatawag ng kaniyang bibig ang mga hampas.
(C)Ang bibig ng mangmang ay kaniyang kapahamakan,
At ang kaniyang mga labi ay silo ng kaniyang kaluluwa.
Ang mga salita ng mga mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo,
At nagsisibaba sa pinakaloob ng tiyan.
Siya mang walang bahala sa kaniyang gawain
Ay (D)kapatid siya ng maninira.
10 Ang pangalan ng Panginoon ay matibay na (E)moog:
Tinatakbuhan ng matuwid at naliligtas.
11 (F)Ang yaman ng mayamang tao ay ang kaniyang matibay na bayan,
At gaya ng matayog na kuta sa kaniyang sariling isip,
12 (G)Bago ang pagkapahamak ay pagmamalaki ng puso ng tao,
At bago ang karangalan ang pagpapakumbaba.
13 Ang sumasagot (H)bago makinig,
Ay kamangmangan at kahihiyan sa kaniya.
14 Aalalayan ng diwa ng tao ang kaniyang sakit;
Nguni't (I)ang bagbag na diwa sinong nakapagdadala?
15 Ang puso ng mabait ay nagtatamo ng kaalaman;
At ang pakinig ng pantas ay humahanap ng kaalaman.
16 (J)Ang kaloob ng tao ay nagbubukas ng daan sa kaniya,
At dinadala siya sa harap ng mga dakilang tao.
17 Ang nakikipaglaban ng kaniyang usap na una ay tila ganap;
Nguni't dumarating ang kaniyang kapuwa at sinisiyasat siya.
18 Ang pagsasapalaran ay nagpapatigil ng mga pagtatalo,
At naghihiwalay sa gitna ng mga makapangyarihan.
19 Ang kapatid na nasaktan sa kalooban ay mahirap mabawi kay sa matibay na bayan:
At ang gayong mga pagtatalo ay parang mga halang ng isang kastilyo.
20 Ang tiyan ng tao ay mabubusog (K)ng bunga ng kaniyang bibig;
Sa bunga ng kaniyang mga labi ay masisiyahan siya.
21 (L)Kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila;
At ang nagsisiibig sa kaniya ay magsisikain ng kaniyang bunga.
22 (M)Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay,
At nagtatamo ng lingap ng Panginoon.
23 Ang dukha ay gumagamit ng mga pamanhik:
Nguni't ang mayaman ay sumasagot (N)na may kagilasan.
24 Ang nagpaparami ng mga kaibigan ay sa kaniyang sariling kapahamakan:
Nguni't may kaibigan na mahigit kay sa isang kapatid.

'Kawikaan 18 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

18 Ang namumuhay nang nag-iisa ay nagpapasasa,
    at hinahamak ang lahat ng may mabuting pasiya.
Ang hangal ay hindi nalulugod sa pang-unawa,
    kundi ang maihayag lamang ang sariling paniniwala.
Kapag dumarating ang kasamaan, ang paghamak ay dumarating din naman,
    at kasama ng pagkutya ang kahihiyan.
Ang mga salita ng bibig ng tao ay parang malalim na tubig;
    ang bukal ng karunungan ay parang umaagos na batis.
Hindi mabuti na ang masamang tao ay panigan,
    o pagkaitan man ang taong matuwid ng katarungan.
Ang mga labi ng hangal ay nagdadala ng alitan,
    at ang kanyang bibig ay nag-aanyaya ng hampasan.
Ang bibig ng hangal ang kapahamakan niya,
    at ang kanyang mga labi ay bitag ng kanyang kaluluwa.
Ang mga salita ng mapagbulong ay masasarap na subo ang katulad,
    sila'y nagsisibaba sa kaloob-looban ng katawan.
Siyang sa kanyang gawain ay pabaya,
    ay isang kapatid ng maninira.
10 Ang pangalan ng Panginoon ay isang toreng matibay;
    tinatakbuhan ng matuwid at doon siya'y tiwasay.
11 Ang yaman ng mayamang tao ang kanyang matibay na lunsod,
    at sa kanyang pag-iisip ay tulad ng pader na matayog.
12 Bago ang pagkawasak ang puso ng tao ay palalo muna,
    ngunit nauuna sa karangalan ang pagpapakumbaba.
13 Siyang sumasagot bago pa man makinig,
    ito'y kahangalan at sa kanya'y kahihiyan.
14 Aalalay ang espiritu ng tao sa kanyang karamdaman;
    ngunit ang bagbag na diwa, sino ang makakapasan?
15 Ang may matalinong pag-iisip ay kumukuha ng kaalaman,
    at ang pandinig ng marunong ay humahanap ng kaalaman.
16 Ang kaloob ng tao ay nagbubukas ng daan sa kanya,
    at dinadala siya sa harap ng mga taong dakila.
17 Ang unang naglalahad ng kanyang panig ay parang matuwid,
    hanggang sa may ibang dumating at siya'y siyasatin.
18 Ang pagpapalabunutan sa mga pagtatalo'y nagwawakas,
    at nagpapasiya sa mga magkatunggaling malalakas.
19 Ang kapatid na nasaktan ay tulad ng lunsod na matibay,
    ngunit parang mga halang ng isang kastilyo ang pag-aaway.
20 Ang isang tao'y nabubusog ng bunga ng bibig niya,
    sa bunga ng kanyang mga labi ay nasisiyahan siya.
21 Ang kamatayan at ang buhay ay nasa kapangyarihan ng dila;
    at ang umiibig sa kanya ay kakain ng kanyang mga bunga.
22 Ang nakakatagpo ng asawang babae ay nakakatagpo ng mabuting bagay,
    at mula sa Panginoon, pagpapala ay nakakamtan.
23 Ang mahirap ay gumagamit ng mga pakiusap,
    ngunit ang mayaman ay sumasagot na may kagaspangan.
24 May mga kaibigang nagkukunwaring kaibigan,
    ngunit may kaibigan na mas madikit kaysa isang kapatid.