Mga Awit 18:2
Ang Biblia (1978)
2 Ang Panginoon ay aking (A)malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas;
Aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya'y manganganlong ako;
Aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog.
Mga Awit 27:1
Ang Biblia (1978)
Awit ng walang takot na pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David.
27 Ang Panginoon (A)ay aking liwanag, at (B)aking kaligtasan: kanino ako matatakot?
Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak?
Mga Awit 91:2
Ang Biblia (1978)
2 Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, Siya'y aking kanlungan at aking katibayan,
Ang Dios ko na (A)siyang aking tinitiwalaan.
Mga Awit 144:2
Ang Biblia (1978)
2 Aking kagandahang-loob, at (A)aking katibayan,
Aking matayog na moog, at aking tagapagligtas;
Aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong;
(B)Na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978