Mga Hukom 3:10
Ang Biblia (1978)
10 At (A)ang Espiritu ng Panginoon ay sumakaniya, at siya'y naghukom sa Israel; at siya'y lumabas na nakibaka, at ibinigay ng Panginoon si Chusan-risathaim na hari sa Mesopotamia sa kaniyang kamay: at ang kaniyang kamay ay nanaig laban kay Chusan-risathaim.
Read full chapter
1 Samuel 10:6
Ang Biblia (1978)
6 (A)At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sasaiyo, at (B)manghuhula kang kasama nila, at ikaw ay magiging ibang lalake.
Read full chapter
1 Samuel 10:10
Ang Biblia (1978)
10 At (A)nang sila'y dumating doon sa burol, narito, isang (B)pulutong na mga propeta ay nasasalubong niya; at ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihang suma kaniya, at siya'y nanghula sa gitna nila.
Read full chapter
1 Samuel 16:13
Ang Biblia (1978)
13 Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sungay ng langis, at pinahiran siya sa gitna ng kaniyang mga kapatid: at (A)ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang suma kay David mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin. Gayon bumangon si Samuel at napasa Rama.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978