Mga Bilang 11:25
Ang Biblia (1978)
25 At ang (A)Panginoon ay bumaba sa ulap, at nagsalita sa kaniya; at kumuha sa Espiritung sumasakaniya at isinalin sa pitong pung matanda: at nangyari, na nang sumakanila ang Espiritu, ay nanganghula, nguni't hindi na sila umulit.
Read full chapter
Mga Hukom 3:10
Ang Biblia (1978)
10 At (A)ang Espiritu ng Panginoon ay sumakaniya, at siya'y naghukom sa Israel; at siya'y lumabas na nakibaka, at ibinigay ng Panginoon si Chusan-risathaim na hari sa Mesopotamia sa kaniyang kamay: at ang kaniyang kamay ay nanaig laban kay Chusan-risathaim.
Read full chapter
Mga Hukom 14:6
Ang Biblia (1978)
6 At ang (A)Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sumakaniya, at nilamuray niya siya na parang naglamuray ng isang batang kambing, at siya'y walang anoman sa kaniyang kamay; nguni't hindi niya sinaysay sa kaniyang ama o sa kaniyang ina kung ano ang kaniyang ginawa.
Read full chapter
Mga Hukom 14:20
Ang Biblia (1978)
20 Nguni't ang asawa ni Samson ay (A)ibinigay sa kaniyang (B)kasama, na siya niyang inaaring parang kaniyang kaibigan.
Read full chapter
1 Samuel 11:6
Ang Biblia (1978)
Ang pananagumpay ni Saul laban sa mga Ammonita.
6 (A)At ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihan suma kay Saul nang kaniyang marinig ang mga salitang yaon, at ang kaniyang galit ay nagalab na mainam.
Read full chapter
1 Samuel 16:13
Ang Biblia (1978)
13 Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sungay ng langis, at pinahiran siya sa gitna ng kaniyang mga kapatid: at (A)ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang suma kay David mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin. Gayon bumangon si Samuel at napasa Rama.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978