Add parallel Print Page Options

At nang sila'y magsidating sa Jerusalem, ay (A)tinanggap sila ng iglesia at ng mga apostol at ng mga matanda, (B)at isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa pamamagitan nila.

Read full chapter

Nang makarating sila sa Jerusalem, malugod silang tinanggap ng buong iglesya, ng mga apostol at ng matatanda. Iniulat nila ang lahat ng bagay na ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila.

Read full chapter

At nangagkatipon ang mga apostol at ang mga matanda upang pagusapan ang bagay na ito.

Read full chapter

Nagtipon ang mga apostol at ang matatanda upang pag-usapan ang bagay na ito.

Read full chapter

22 Nang magkagayo'y minagaling ng mga apostol at ng (A)matatanda, pati ng buong iglesia, na magsihirang ng mga tao sa kanilang magkakasama, at suguin sa Antioquia na kasama ni Pablo at ni Bernabe; si Judas na tinatawag na Barsabas, at si (B)Silas na mga nangungulo sa (C)mga kapatid:

23 At nagsisulat sila sa pamamagitan nila, Ang mga apostol at ang mga matanda, mga kapatid, sa mga kapatid na nangasa mga Gentil sa Antioquia (D)at Siria at Cilicia, ay bumabati:

Read full chapter

Ang Sulat sa mga Mananampalatayang Hentil

22 Nang magkagayo'y minabuti ng mga apostol at ng matatandang tagapamahala, at ng buong iglesya, na pumili ng mga lalaki mula sa kanilang hanay at isugo sa Antioquia kasama nina Pablo at Bernabe. Isinugo nila si Judas na tinatawag na Barsabas, at si Silas, mga lalaking iginagalang ng mga kapatid. 23 Sa pamamagitan nila'y ipinadala ang liham na ganito ang nilalaman:

“Kaming mga apostol, mga matatanda, at mga kapatid ay bumabati sa mga kapatid na Hentil na nasa Antioquia, Syria at Cilicia.

Read full chapter

30 Na siya nga nilang ginawa, na ipinadala nila (A)sa mga matanda sa pamamagitan ng kamay ni Bernabe at ni Saulo.

Read full chapter

30 Ganito nga ang kanilang ginawa at sa pamamagitan nina Bernabe at Saulo ay ipinadala nila ang kanilang tulong sa mga matatandang namamahala ng iglesya.

Read full chapter