Add parallel Print Page Options

Huwag mong pagwikaan ang matanda, kundi pangaralan mo siyang tulad sa ama; ang mga kabataang lalake na tulad sa mga kapatid:

Read full chapter

17 (A)Ang mga matanda na (B)nagsisipamahalang mabuti (C)ay ariing may karapatan sa ibayong (D)kapurihan, lalong lalo na ang mga nangagpapagal sa salita at sa pagtuturo.

Read full chapter

19 Laban sa matanda ay huwag kang tatanggap ng sumbong, maliban (A)sa dalawa o tatlong saksi.

Read full chapter

(A)Dahil dito'y iniwan kita sa Creta, upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang, at (B)maghalal ng (C)mga matanda sa bawa't bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo;

Read full chapter

14 May sakit baga ang sinoman sa inyo? ipatawag niya (A)ang mga matanda sa iglesia; at ipanalangin nila siya, (B)na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon:

Read full chapter

Sa (A)matatanda nga sa inyo'y umaaral ako, (B)akong matandang kasamahan ninyo, at isang (C)saksi ng mga hirap ni Cristo, na may bahagi naman sa kaluwalhatiang ihahayag:

Read full chapter

Gayon din naman, kayong mga kabataan, ay magsisuko sa (A)matatanda. Oo, kayong (B)lahat ay mangagbigkis ng kapakumbabaan, na kayo-kayo'y (C)maglingkuran: sapagka't ang (D)Dios ay sumasalangsang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.

Read full chapter

(A)Ang matanda sa hirang na (B)ginang at sa kaniyang mga anak, (C)na aking iniibig sa katotohanan; at hindi lamang ako, kundi pati ng lahat ng mga nakakakilala (D)ng katotohanan;

Alangalang sa katotohanan na nananahan sa atin, at sasa atin magpakailan man:

(E)Sumaatin nawa ang biyaya, awa, at kapayapaang mula sa Dios Ama at kay Jesucristo, Anak ng Ama, sa katotohanan at sa pagibig.

Ako'y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak (F)na nagsisilakad sa katotohanan, ayon sa ating tinanggap na utos sa Ama.

At ngayo'y ipinamamanhik ko sa iyo, ginang, (G)na hindi waring sinusulatan kita ng isang bagong utos, kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula, na tayo'y mangagibigan sa isa't isa.

(H)At ito ang pagibig, na tayo'y mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos. Ito ang utos, na tayo'y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula.

Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay (I)ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at (J)ang anticristo.

Mangagingat kayo sa inyong sarili, upang (K)huwag ninyong iwala ang mga bagay na aming pinagpagalan, kundi upang tanggapin ninyo ang isang lubos na kagantihan.

Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay (L)hindi kinaroroonan ng Dios: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.

10 Kung sa inyo'y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay (M)huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin:

11 Sapagka't ang bumabati sa kaniya ay (N)nararamay sa kaniyang masasamang gawa.

12 (O)Yamang may maraming mga bagay na isusulat sa inyo, ay hindi ko ibig isulat sa papel at tinta; datapuwa't inaasahan kong pumariyan sa inyo, at makipagusap ng mukhaan, (P)upang malubos ang inyong galak.

13 Ang mga anak ng iyong (Q)hirang na kapatid na babae ay bumabati sa iyo.

(R)Ang matanda, kay Gayo na minamahal, na aking iniibig sa katotohanan.

Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.

Sapagka't ako'y totoong (S)nagalak nang magsidating ang mga kapatid at mangagpatotoo sa iyong katotohanan, ayon sa paglakad mo sa katotohanan.

Wala nang dakilang kagalakan sa ganang akin na gaya nito, na marinig na ang (T)aking mga anak ay nagsisilakad sa katotohanan.

Minamahal, ginagawa mo ang tapat na gawa sa lahat ng iyong ginagawa doon sa (U)mga kapatid at sa mga taga ibang lupa;

Na siyang nangagpapatotoo ng iyong pagibig sa harapan ng iglesia: na iyong gagawan ng magaling kung iyong tutulungan sila ng nararapat sa Dios, sa kanilang paglalakbay:

Sapagka't dahil sa Pangalan, ay nangagsiyaon sila na (V)walang kinuhang anoman sa mga Gentil.

Nararapat nga nating tanggaping mabuti ang mga gayon, upang tayo'y maging kasama sa paggawa sa katotohanan.

Ako'y sumulat ng ilang bagay sa iglesia: datapuwa't si Diotrefes na nagiibig magkaroon ng kataasan sa kanila, ay hindi kami tinatanggap.

10 Kaya't kung pumariyan ako, ay ipaaalaala ko ang mga gawang kaniyang ginagawa, na (W)nagsasalita ng masasamang salita laban sa amin: at hindi nasisiyahan sa ganito, ni hindi man niya tinatanggap ang mga kapatid, at silang mga ibig tumanggap ay pinagbabawalan niya at pinalalayas sila (X)sa iglesia.

11 Minamahal, (Y)huwag mong tularan ang masama, kundi ang mabuti. (Z)Ang gumagawa ng mabuti ay sa Dios: ang gumagawa ng masama ay (AA)hindi nakakita sa Dios.

12 Si Demetrio ay (AB)pinatototohanan ng lahat, at ng katotohanan: oo, kami man ay nagpapatotoo rin; at nalalaman mo na ang aming patotoo ay (AC)tunay.

13 Maraming mga bagay ang isusulat ko sana sa iyo, (AD)datapuwa't hindi ko ibig isulat sa iyo ng tinta at panulat:

14 Datapuwa't inaasahan kong makita kang madali, at tayo'y magkakausap ng mukhaan.

15 Ang kapayapaa'y sumainyo nawa. Binabati ka ng mga kaibigan. Batiin mo ang mga kaibigan sa pangalan.