Add parallel Print Page Options

16 (A)At siya'y napasa Nazaret (B)na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at (C)nagtindig upang bumasa.

17 At ibinigay sa kaniya ang aklat ng propeta Isaias. At binuklat niya ang aklat, na nasumpungan niya ang dakong kinasusulatan,

18 (D)Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon,
Sapagka't ako'y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha:
Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas,
At sa mga bulag ang pagkakita,
Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi,

Read full chapter