Lucas 24:27
Ang Biblia (1978)
27 (A)At magmula kay (B)Moises at sa (C)mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan.
Read full chapter
Lucas 24:44
Ang Biblia (1978)
44 At sinabi niya sa kanila, (A)Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa (B)kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa (C)mga awit.
Read full chapter
Mga Gawa 10:43
Ang Biblia (1978)
43 Siya ang pinatotohanan ng (A)lahat ng mga propeta, na ang bawa't sumasampalataya sa kaniya ay magkakamit ng (B)kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.
Read full chapter
Mga Gawa 13:27
Ang Biblia (1978)
27 Sapagka't silang nangananahan sa Jerusalem at ang mga pinuno nila, dahil sa (A)hindi nila pagkakilala sa kaniya, ni sa mga tinig ng mga propeta (B)na sa tuwing sabbath ay binabasa, ay kanilang tinupad (C)ang hatol sa kaniya.
Read full chapter
Mga Gawa 24:14
Ang Biblia (1978)
14 Nguni't ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta, ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang, na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan, at nangasusulat sa mga propeta;
Read full chapter
Mga Gawa 28:23
Ang Biblia (1978)
23 At nang mataningan na nila siya ng isang araw, ay nagsiparoon ang lubhang marami sa kaniyang tinutuluyan; at sa kanila'y kaniyang ipinaliwanag ang bagay, na sinasaksihan (A)ang kaharian ng Dios, (B)at sila'y hinihikayat tungkol kay Jesus, (C)sa pamamagitan ng kautusan ni Moises at gayon din sa pamamagitan ng mga propeta, buhat sa umaga hanggang sa gabi.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978