Add parallel Print Page Options

14 Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; (A)narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na (B)Emmanuel.

Read full chapter

Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang (A)isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang (B)anak na lalake; at ang (C)pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging (D)Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, (E)Pangulo ng Kapayapaan.

Read full chapter

10 Narito, ang Panginoong Dios ay darating na gaya ng makapangyarihan, at ang kaniyang kamay ay magpupuno sa ganang kaniya: Narito, (A)ang kaniyang ganting pala ay dala niya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.

11 Kaniyang (B)papastulin ang kaniyang kawan, na gaya ng pastor, kaniyang pipisanin ang mga kordero sa kaniyang kamay, at dadalhin sila sa kaniyang sinapupunan, at papatnubayan na marahan yaong mga nagpapasuso.

Read full chapter

(A)Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, (B)at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura.

Read full chapter

13 Narito, (A)ang lingkod ko ay gagawang may karunungan, (B)siya'y mabubunyi, at malalagay na mataas, at magiging napakataas.

14 Kung paanong marami ang natigilan dahil sa iyo (ang kaniyang mukha (C)ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao),

15 (D)Gayon siya magwiwisik sa maraming bansa; (E)ang mga hari ay magtitikom ng kanilang mga bibig dahil sa kaniya: sapagka't ang hindi nasaysay sa kanila ay (F)kanilang makikita; at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawa.

Ang lingkod ng Panginoon ay nagbabata. Ang kaniyang kamatayan at karangalan.

53 Sinong (G)naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang (H)bisig ng Panginoon?

(I)Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: (J)walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya.

Siya'y hinamak at itinakuwil (K)ng mga tao; isang (L)taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y (M)hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.

Tunay na kaniyang (N)dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.

Nguni't siya'y nasugatan (O)dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa (P)ating kapayapaan ay nasa kaniya; (Q)at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.

(R)Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan (S)sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.

Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay (T)hindi nagbuka ng kaniyang bibig; (U)gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig.

Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, (V)sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya.

At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama (W)ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman (X)hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig.

10 Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, (Y)makikita niya ang kaniyang lahi, (Z)pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.

11 Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: (AA)sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng (AB)aking matuwid na lingkod ang marami; at (AC)dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.

12 (AD)Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang (AE)hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at (AF)ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at (AG)namagitan sa mga mananalangsang.

Ang pagkakataas ng mga nagbabata.

61 Ang (A)Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; (B)sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang (C)ipangaral ang mabubuting balita sa mga (D)maamo; kaniyang sinugo ako upang (E)magpagaling ng mga bagbag na puso, (F)upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;

Read full chapter

Ang paghihiganti ng Panginoon sa mga bansa.

63 Sino ito na nanggagaling sa Edom, na (A)may mga kasuutang tinina mula sa Bosra? itong maluwalhati sa kaniyang suot, na lumalakad sa di kawasang lakas? Ako na nagsasalita ng katuwiran, makapangyarihang magligtas.

Bakit ka mapula sa (B)iyong kasuutan, at ang iyong damit ay gaya niyaong yumayapak sa alilisan ng alak?

Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; (C)at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin: oo, aking niyapakan siya sa aking galit, at aking niyurakan sila sa aking kapusukan; at ang kanilang dugong buháy ay pumilansik sa aking mga suot, at natigmak ang buong suot ko.

Sapagka't ang kaarawan (D)ng panghihiganti ay nasa aking puso, at ang taon ng (E)aking mga tinubos ay dumating.

At ako'y lumingap, at (F)walang tumulong; at ako'y namangha na walang umalalay: (G)kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay; at ang aking kapusukan, ay umalalay sa akin.

At aking niyapakan ang mga bayan sa aking galit, at nilango ko sila sa aking kapusukan, at ibinubo sa lupa ang kanilang dugong buhay.

Read full chapter

Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David (A)ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng (B)hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng (C)kahatulan at kaganapan sa lupain.

Sa kaniyang mga kaarawan ay (D)maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating (E)katuwiran.

Read full chapter

14 Narito, ang mga araw ay dumarating, (A)sabi ng Panginoon, na aking isasagawa ang mabuting salita na aking sinalita tungkol sa sangbahayan ni Israel, at tungkol sa sangbahayan ni Juda.

15 Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, aking pasusuplingin kay David ang isang Sanga ng katuwiran; at siya'y magsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa lupain.

Read full chapter

23 At ako'y maglalagay ng (A)isang pastor sa kanila, at kaniyang papastulin sila sa makatuwid baga'y (B)ang aking lingkod na si David; kaniyang papastulin sila, at siya'y magiging kanilang pastor,

Read full chapter

25 At (A)sila'y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod, na tinahanan ng inyong mga magulang; at sila'y magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, (B)magpakailan man: at si David na (C)aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man.

Read full chapter

24 (A)Pitong pung sanglinggo ang ipinasiya sa iyong mga tao at sa iyong banal na bayan, upang tapusin ang pagsalangsang, at upang wakasan ang pagkakasala, at upang linisin sa kasamaan, (B)at upang dalhan ng walang hanggang katuwiran, at upang tatakan ang pangitain at ang panghuhula, at upang pahiran ang (C)kabanalbanalan.

Read full chapter

27 At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanglinggo: at sa kalahati ng sanglinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay paroroon (A)ang isang maninira; at hanggang sa wakas, at pagkapasiya ay mabubuhos (B)ang poot sa maninira.

Read full chapter

Nananabik ang Panginoon sa naliligaw niyang bayan.

11 (A)Nang bata pa ang Israel, aking minahal siya, at (B)tinawag kong aking anak mula (C)sa Egipto.

Read full chapter

Nguni't ikaw, (A)Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang (B)pinagbuhatan niya ay mula nang una, (C)mula nang walang hanggan.

Read full chapter

Ang mapagpakumbabang hari ng Sion at malawak na kaharian.

(A)Magalak kang mainam, (B)Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: (C)narito, ang (D)iyong hari ay naparirito sa iyo; siya'y ganap at may pagliligtas; (E)mapagmababa, at nakasakay sa isang asno, sa isang batang asno na anak ng asnong babae.

Read full chapter

13 At sinabi ng Panginoon sa akin, Ihagis mo sa magpapalyok, (A)ang mainam na halaga na aking inihalaga sa kanila. At aking kinuha ang tatlong pung putol na pilak, at inihagis ko sa magpapalyok sa bahay ng Panginoon.

Read full chapter

10 (A)At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya at ng daing; (B)at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na (C)gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kaniya, na parang kapanglawan sa kaniyang panganay.

Read full chapter

Gumising ka, Oh tabak, laban sa (A)pastor ko, at laban sa lalake na aking (B)kasama, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: (C)saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit.

Read full chapter

Ang pagdating ng sugo ng Panginoon.

Narito, (A)aking sinusugo ang (B)aking sugo, (C)at siya'y maghahanda, ng daan sa harap ko: at ang Panginoon na inyong hinahanap, (D)ay biglang paroroon sa kaniyang templo; at (E)ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya'y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Read full chapter

Nguni't sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay sisikat (A)ang araw ng katuwiran na may kagalingan sa kaniyang mga pakpak; at kayo'y magsisilabas, at magsisiluksong parang guya mula sa silungan.

Read full chapter