Jeremias 25:9
Ang Biblia (1978)
9 Narito, ako'y magsusugo at kukunin ko ang lahat (A)na angkan sa hilagaan, sabi ng Panginoon, at ako'y magsusugo kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia, (B)na aking lingkod, at aking dadalhin sila laban sa lupaing ito, at laban sa mga nananahan dito, at laban sa lahat ng bansang ito sa palibot; at aking lubos na lilipulin sila, at gagawin ko silang katigilan, at kasutsutan, at mga walang hanggang kagibaan.
Read full chapter
Jeremias 25:11-12
Ang Biblia (1978)
11 At ang buong lupaing ito ay magiging sira, at katigilan; at (A)ang mga bansang ito ay maglilingkod sa hari sa Babilonia na (B)pitong pung taon.
12 At mangyayari, (C)pagkaganap ng pitong pung taon, na aking parurusahan ang hari sa Babilonia, at ang bansang yaon, sabi ng Panginoon, dahil sa kaniyang kasamaan, at ang lupain ng mga Caldeo; at aking gagawing sira magpakailan man.
Read full chapter
Jeremias 29:10
Ang Biblia (1978)
10 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, (A)Pagkatapos na maganap ang pitong pung taon sa Babilonia, aking dadalawin kayo, (B)at aking tutuparin ang aking mabuting salita sa inyo, sa pagpapabalik sa inyo sa dakong ito.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978