Add parallel Print Page Options

Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon sa propeta Jeremias, na nagsasabi,

Read full chapter

10 At iyong sabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, ako'y magsusugo at kukunin ko si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na (A)aking lingkod, at aking ilalagay ang kaniyang luklukan sa mga batong ito na aking ikinubli; at kaniyang ilaladlad ang kaniyang pabillong hari sa mga yaon.

Read full chapter

28 Na nagsasabi tungkol kay (A)Ciro, Siya'y aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem, (B)Siya'y matatayo; at sa templo, Ang iyong patibayan ay malalagay.

Kaniyang sinugo si Ciro upang maging tagapagligtas ng mga nasa pagkakabihag.

45 Ganito ang sabi ng Panginoon sa (C)kaniyang pinahiran ng langis, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, (D)upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;

18 Anak ng tao, (A)pinapaglilingkod ng mabigat ni (B)Nabucodonosor na hari sa Babilonia ang kaniyang kawal laban sa Tiro: lahat ng ulo ay nakalbo, at lahat ng balikat ay nalabnot; gayon ma'y wala siyang kaupahan, o ang kaniyang hukbo man, mula sa Tiro, sa paglilingkod na kaniyang ipinaglingkod laban doon.

19 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, (C)aking ibibigay ang lupain ng Egipto kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at dadalhin niya ang kaniyang karamihan, at kukunin ang samsam sa kaniya, at kukunin ang huli sa kaniya; at magiging kaupahan para sa kaniyang hukbo.

20 Ibinigay ko sa kaniya ang lupain ng Egipto na pinakaganti sa kaniya dahil sa kaniyang ipinaglingkod, sapagka't sila'y nagsipagpagal ng dahil sa akin, sabi ng Panginoong Dios.

Read full chapter