Add parallel Print Page Options

Tinanong ni Jeremias ang Panginoon

12 Ikaw ay matuwid, O Panginoon,
    kapag ako'y maghaharap ng paratang sa iyo;
    gayunma'y hayaan mong ilahad ko ang aking panig sa harapan mo.
Bakit nagtatagumpay ang lakad ng masama?
    Bakit lumalago ang lahat ng mga taksil?
Itinatanim mo sila, oo, at sila'y nagkakaugat;
    sila'y lumalaki, oo, at sila'y nagbubunga;
ikaw ay malapit sa kanilang bibig,
    at malayo sa kanilang mga puso.
Ngunit ikaw, O Panginoon, kilala mo ako;
    nakikita mo ako, at sinusubok mo ang aking isipan tungkol sa iyo.
Hilahin mo silang gaya ng mga tupa para sa katayan,
    at ihanda mo sila para sa araw ng pagkatay.
Hanggang kailan tatangis ang lupain,
    at matutuyo ang mga damo sa buong lupain?
Dahil sa kasamaan ng mga naninirahan doon,
    ang mga hayop at ang mga ibon ay nawala,
    sapagkat sinasabi ng mga tao, “Hindi niya makikita ang ating huling wakas.”
Kung ikaw ay nakitakbo sa mga mananakbo, at kanilang pinagod ka,
    paano ka makikipag-unahan sa mga kabayo?
At kung sa isang tiwasay na lupain ay nabubuwal ka,
    paano ka na sa kagubatan ng Jordan?
Sapagkat maging ang iyong mga kapatid at ang sambahayan ng iyong ama
    ay nagtaksil sa iyo;
    sila'y sumisigaw ng malakas sa hulihan mo;
huwag mo silang paniwalaan,
    bagaman sila'y nagsasalita ng kaaya-ayang salita sa iyo.”

Ang Hatol ng Panginoon sa Juda at sa Kanyang mga Kaaway

“Pinabayaan ko ang aking bahay,
    tinalikuran ko ang aking mana;
ibinigay ko ang pinakamamahal ng aking kaluluwa
    sa kamay ng kanyang mga kaaway.
Ang aking mana para sa akin
    ay naging parang leon sa gubat;
inilakas niya ang kanyang tinig laban sa akin,
    kaya't kinamumuhian ko siya.
Ang akin bang mana ay naging parang batik-batik na ibong mandaragit?
    Laban ba sa kanya ang mga ibong mandaragit na nakapaligid sa kanya?
Humayo kayo, tipunin ninyo ang lahat ng mababangis na hayop,
    dalhin ninyo sila upang sakmalin siya.
10 Sinira ng maraming pastol ang aking ubasan,
    kanilang niyurakan ang aking bahagi,
ginawa nilang ilang na wasak
    ang aking kalugud-lugod na bahagi.
11 Winasak nila ito, ito'y wasak,
    ito'y tumatangis sa akin.
Ang buong lupain ay nawawasak,
    gayunma'y walang taong nakakapansin nito.
12 Ang mga manglilipol ay dumating sa lahat ng lantad na kaitaasan sa ilang;
sapagkat ang tabak ng Panginoon ay nananakmal
    mula sa isang dulo ng lupain hanggang sa kabilang dulo ng lupain;
    walang taong may kapayapaan.
13 Sila'y naghasik ng trigo at nagsiani ng mga tinik;
    pinagod nila ang kanilang mga sarili ngunit walang napalâ.
Ikahihiya nila ang inyong mga ani,
    dahil sa mabangis na galit ng Panginoon.”

14 Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa lahat ng aking masasamang kapwa na gumalaw sa mana na aking ipinamana sa aking bayang Israel: “Narito, bubunutin ko sila sa kanilang lupain, at aking bubunutin ang sambahayan ng Juda mula sa kanila.

15 At mangyayari, pagkatapos na aking mabunot sila, ako'y babalik at maaawa sa kanila; at muli ko silang ibabalik sa kani-kanilang mana at sa kani-kanilang lupain.

16 At mangyayari, kung kanilang masikap na pag-aaralan ang mga lakad ng aking bayan, na sumumpa sa pamamagitan ng pangalan ko, ‘Habang buháy ang Panginoon;’ gaya ng kanilang itinuro sa bayan ko na pagsumpa sa pamamagitan ng pangalan ni Baal, ay maitatayo nga sila sa gitna ng aking bayan.

17 Ngunit kung ang alinmang bansa ay hindi makikinig, kung gayo'y lubos ko itong bubunutin at lilipulin, sabi ng Panginoon.”

'Jeremias 12 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Pagtawag ni Jeremias.

12 (A)Ikaw ay matuwid, Oh Panginoon, nang ako'y makipagtalo sa iyo; gayon ma'y makikipagmatuwiranan ako sa iyo: (B)bakit gumiginhawa ang lakad ng masama? bakit nangatitiwasay silang lahat na nagsisigawa ng may lubhang kataksilan?

Iyong itinanim sila, oo, sila'y nangagkaugat; nagsisitubo, oo, sila'y nangagbubunga: ikaw ay malapit sa kanilang bibig, at malayo sa kanilang mga puso.

Nguni't ikaw, Oh Panginoon, nakakakilala sa akin; iyong nakikita ako, at tinatarok mo ang aking puso: itaboy mo silang gaya ng mga tupa sa patayan, at ihanda mo sila (C)sa kaarawan ng pagpatay.

Hanggang kailan tatangis ang lupain, at matutuyo ang mga damo sa buong lupain? dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon, nilipol ang mga hayop, at ang mga ibon; sapagka't kanilang sinabi, Hindi niya makikita ang ating huling kawakasan.

Ang sagot ng Panginoon.

Kung ikaw ay tumakbo na kasama ng nangaglalakad, at kanilang pinagod ka, paano ngang makikipagunahan ka sa mga kabayo? at bagaman sa lupain ng kapayapaan ay tiwasay ka, gayon ma'y paano ang gagawin mo sa (D)kapalaluan ng Jordan?

Sapagka't ang iyong mga kapatid man at ang sangbahayan ng iyong magulang, ay nagsigawa ring may kataksilan sa iyo; nagsihiyaw rin ng malakas sa hulihan mo: huwag mong paniwalaan sila, bagaman sila'y nangagsasalita ng mga mabuting salita sa iyo.

Ang hatol ng Panginoon sa Juda at sa kaniyang mga kaaway.

Aking pinabayaan ang aking bahay, aking itinakuwil (E)ang aking mana; aking ibinigay ang giliw na sinta ng aking kaluluwa sa kamay ng kaniyang mga kaaway.

Sa akin ang mana ko ay naging parang leon sa gubat: kaniyang inilakas ang kaniyang tinig laban sa akin; kaya't aking ipinagtanim siya.

Ang akin bagang mana sa akin ay naging parang mangdadagit na ibong batikbatik? ang mga mangdadagit na ibon baga ay laban sa kaniya sa palibot? kayo'y magsiyaon, inyong pagpulungin ang lahat na hayop sa parang, inyong dalhin sila rito upang magsipanakmal.

10 Sinira ng maraming (F)pastor (G)ang aking ubasan, (H)kanilang niyapakan ng paa ang aking bahagi, kanilang ginawa ang aking mahalagang bahagi na ilang na sira.

11 Kanilang ginawa, itong isang kagibaan; tumatangis sa akin, palibhasa'y sira; ang buong lupain ay nasira, sapagka't (I)walang taong gumugunita.

12 Mga manglilipol ay nagsidating sa lahat na luwal na kaitaasan sa ilang: sapagka't ang tabak ng Panginoon ay nananakmal mula sa isang dulo ng lupain hanggang sa kabilang dulo ng lupain walang taong may kapayapaan.

13 Sila'y nangaghasik ng (J)trigo, at nagsiani ng mga tinik: sila'y nangagpakahirap, at walang pinakikinabang: at kayo'y mangapapahiya sa inyong mga gawa, dahil sa mabangis na galit ng Panginoon.

14 Ganito ang sabi ng Panginoon laban sa lahat na masama (K)kong kapuwa, (L)na nagsisigalaw ng mana sa aking bayang Israel, Narito, akin (M)silang bubunutin sa kanilang lupain, at aking bubunutin ang sangbahayan ni Juda sa gitna nila.

15 At mangyayari, na pagkatapos na aking mabunot sila, ako'y babalik at maaawa sa kanila; (N)at aking ibabalik sila uli, bawa't tao ay sa kaniyang mana, at bawa't tao ay sa kaniyang lupain.

16 At mangyayari, kung kanilang matutuhang masikap ang mga lakad ng aking bayan, (O)ang pagsumpa sa pangalan ko, Buháy ang Panginoon; sa makatuwid baga'y gaya ng kanilang itinuro sa bayan ko na pagsumpa sa pangalan ni Baal: ay mangatatayo nga sila (P)sa gitna ng aking bayan.

17 Nguni't kung hindi nila (Q)didinggin, akin ngang bubunutin ang bansang yaon, na bubunutin at lilipulin sabi ng Panginoon.