Add parallel Print Page Options

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't pumakpak ka ng iyong mga kamay, at tumadyak ka ng mga paa, at nagalak ka ng buong paghamak ng iyong kalooban laban sa lupain ng Israel;

Kaya't narito, aking iniunat ang aking kamay sa iyo, at ibibigay kita (A)na pinakasamsam sa mga bansa; at ihihiwalay kita sa mga bayan, at ipalilipol kita sa mga lupain: aking ibubuwal ka; at iyong malalaman na ako ang Panginoon.

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang (B)Moab at ang (C)Seir ay nagsasabi, Narito, ang sangbahayan ni Juda ay gaya ng lahat na bansa;

Kaya't, narito, aking bubuksan ang tagiliran ng Moab mula sa mga bayan, mula sa kaniyang mga bayan na nangasa kaniyang mga hangganan, na kaluwalhatian ng lupain, ang (D)Beth-jesimoth, ang (E)Baal-meon, at ang (F)Chiriathaim.

10 Hanggang sa mga anak ng silanganan, upang magsiparoon laban sa mga anak ni Ammon; at aking ibibigay sa kanila na pinakaari, upang ang mga anak ni Ammon ay huwag ng mangaalaala sa gitna ng mga bansa:

11 At ako'y maglalapat ng kahatulan sa Moab: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

12 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't ang (G)Edom ay gumawa ng laban sa sangbahayan ni Juda sa panghihiganti, at nagalit na mainam, at nanghiganti sa kanila;

Read full chapter