Add parallel Print Page Options

Nakita(A) ni Yahweh na laganap na ang kasamaan ng tao sa daigdig, at puro kasamaan na lamang ang palaging nasa isip nito. Kaya't labis na ikinalungkot ni Yahweh na nilikha pa niya ang tao. Sinabi niya, “Lilipulin ko ang lahat ng taong aking nilalang. Lilipulin ko rin ang lahat ng hayop at mga ibon. Ikinalulungkot kong nilalang ko pa ang mga ito.” Ngunit si Noe ay naging kalugud-lugod kay Yahweh.

Read full chapter
'Genesis 6:5-8' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, (A)at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati.

(B)At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, (C)at nalumbay sa kaniyang puso.

At sinabi ng Panginoon, Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa; ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; sapagka't pinagsisisihan ko na aking nilalang sila.

Datapuwa't si Noe ay (D)nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon.

Read full chapter