Add parallel Print Page Options

19 Narito, ngayo't ang lingkod mo ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, at pinakalaki mo ang iyong awang ipinakita sa akin sa pagliligtas ng aking buhay; at ako'y di makatatakas sa bundok, baka ako'y abutan ng sama, at ako'y mamatay.

Read full chapter

Si Moises ay nakipagusap sa Panginoon.

12 At sinabi ni Moises sa Panginoon, Tingnan mo, (A)iyong sinasabi sa akin: Isampa mo ang bayang ito: at hindi mo ipinakilala sa akin kung sino yaong susuguin mo na kasama ko. Gayon ma'y iyong sinabi, Aking nakikilala ka sa pangalan, at ikaw rin naman ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin.

13 Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, (B)ay ituro mo sa akin ngayon ang iyong mga daan, upang ikaw ay aking makilala, na ano pa't ako'y makasumpong ng biyaya sa iyong paningin: at akalain mo, na ang bansang ito ay (C)iyong bayan.

14 At kaniyang sinabi, (D)Ako'y sasa iyo, at ikaw ay (E)aking bibigyan ng kapahingahan.

15 At sinabi niya sa kaniya, (F)Kung ikaw ay hindi sasa akin ay huwag mo na kaming pasampahin mula rito.

16 Sapagka't saan ngayon makikilala na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ako at ang iyong bayan? (G)hindi ba dahil sa ikaw ay lumalakad na kasama namin, (H)upang kami ay maging bukod, ako at ang iyong bayan, sa lahat ng bayan na nasa balat ng lupa?

17 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Akin ding gagawin ang bagay na ito na iyong sinalita: (I)sapagka't ikaw ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin, at ikaw ay aking nakikilala sa pangalan.

Read full chapter

30 At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka't nakasumpong ka ng biyaya sa Dios.

Read full chapter

46 Na nakasumpong ng biyaya sa paningin ng Dios, at (A)huminging makasumpong ng isang tahanang ukol sa Dios ni Jacob.

Read full chapter