Add parallel Print Page Options

Ang pananagumpay ni Saul laban sa mga Ammonita.

(A)At ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihan suma kay Saul nang kaniyang marinig ang mga salitang yaon, at ang kaniyang galit ay nagalab na mainam.

At siya'y kumuha ng dalawang magkatuwang na baka, at (B)kaniyang kinatay, at ipinadala niya sa lahat ng mga hangganan ng Israel sa pamamagitan ng kamay ng mga sugo, na sinasabi, (C)Sinomang hindi lumabas na sumunod kay Saul at kay Samuel, ay ganyan ang gagawin sa kaniyang mga baka. At ang takot sa Panginoon ay nahulog sa bayan, at sila'y lumabas na parang iisang tao.

At binilang niya sila sa (D)Bezec; (E)at ang mga anak (F)ni Israel, ay tatlong daang libo, at ang mga lalake ng Juda ay tatlong pung libo.

Read full chapter