Pahayag 18:10
Print
Tatayo sila sa malayo dahil sa takot sa kanyang paghihirap at sasabihing, “Kakila-kilabot ang sinapit mo, dakilang lungsod, makapangyarihang lungsod ng Babilonia! Sapagkat sa loob ng isang oras, naigawad ang parusa sa iyo.”
At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka't sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.
Sila'y tatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kanya, na nagsasabi, “Kahabag-habag, kahabag-habag ang dakilang lunsod, ikaw na makapangyarihang lunsod ng Babilonia! Sapagkat sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.”
At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka't sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.
Dahil natakot sila sa pahirap sa kaniya, sila ay tatayo sa malayo. Sasabihin nila: Aba! Aba! Ang dakilang lungsod! Ang Babilonya, ang malakas na lungsod! Sapagkat sa loob ng isang oras ang iyong kahatulan ay dumating.
Tatayo lang sila sa malayo at magmamasid dahil takot silang madamay sa parusa sa lungsod na iyon. Sasabihin nila, ‘Sayang! Sayang ang sikat at makapangyarihang lungsod ng Babilonia. Sa loob lang ng maikling panahon ay naparusahan siya!’
Tatayo sila sa malayo sapagkat takot silang madamay sa dinaranas niyang parusa. Sasabihin nila, “Kalagim-lagim! Kalagim-lagim ang dakilang Babilonia, ang makapangyarihang lungsod! Sa loob lamang ng isang oras ay naganap ang parusa sa kanya!”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV) Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.; Ang Biblia (1978) (ABTAG1978) Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978; Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001) Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001; Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905) Public Domain; Ang Salita ng Diyos (SND) Copyright © 1998 by Bibles International; Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®; Magandang Balita Biblia (MBBTAG) Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.; Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC) by