Add parallel Print Page Options

19 Ito ang magiging kaparusahan sa Egipto, at kaparusahan sa lahat na bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag.

20 Sa araw na yaon ay magkakaroon sa mga kampanilya ng mga kabayo, (A)KABANALAN SA PANGINOON; at ang mga (B)palyok sa bahay ng Panginoon ay magiging gaya ng mga (C)taza sa harap ng dambana.

21 Oo, bawa't palyok sa Jerusalem at sa Juda ay aariing banal sa Panginoon ng mga hukbo; at silang lahat na nangaghahain ay magsisiparoon at magsisikuha niyaon, at magpapakulo roon: at sa araw na yaon ay (D)hindi na magkakaroon pa ng (E)Cananeo sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo.

Read full chapter