Add parallel Print Page Options

25 Nguni't ang nagsisiyasat ng sakdal na (A)kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatiling gayon, na hindi tagapakinig na lumilimot, kundi tagatupad na gumagawa, ay pagpapalain ang taong ito sa kaniyang ginagawa.

26 Kung ang sinoman ay nagiisip na siya'y relihioso (B)samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila, kundi dinadaya ang kaniyang puso, ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan.

27 Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating (C)Dios at Ama ay ito, (D)dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, (E)at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.

Read full chapter