Add parallel Print Page Options

11 At si Booz ay sumagot at nagsabi sa kaniya, Ipinatalastas sa akin ang (A)buong iyong ginawa sa iyong biyanan mula sa pagkamatay ng iyong asawa: at kung paanong iyong iniwan ang iyong ama at iyong ina, at ang lupang pinanganakan sa iyo, at ikaw ay naparito sa bayan na hindi mo nakilala nang una.

12 (B)Gantihin nawa ng Panginoon ang iyong gawa, at bigyan ka nawa ng lubos na ganting pala ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa (C)ilalim ng mga pakpak niyaong iyong kakanlungan.

Read full chapter