Add parallel Print Page Options

28 At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag (A)alinsunod sa kaniyang nasa.

29 Sapagka't (B)yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, (C)ay itinalaga naman niya (D)na maging katulad (E)ng larawan ng kaniyang Anak, (F)upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid:

30 At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang (G)tinawag naman: at ang mga tinawag ay (H)inaring-ganap naman niya: at ang mga inaring-ganap ay (I)niluwalhati din naman niya.

Read full chapter

28 At alam nating ang Diyos ay gumagawa ng lahat ng bagay para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, sa kanilang mga tinawag ayon sa kanyang layunin. 29 Sapagkat ang mga kinilala niya noong una pa man ay itinalaga rin niya na maging katulad sa larawan ng kanyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid. 30 At ang mga itinalaga niya ay kanya ring tinawag, at ang mga tinawag niya ay itinuring niyang matuwid; at ang mga itinuring niyang matuwid ay niluwalhati rin niya.

Read full chapter