Add parallel Print Page Options

Sapagka't nang tayo'y nangasa laman, (A)ang mga pitang salarin na pawang sa pamamagitan ng kautusan, ay nagsigawa (B)sa ating mga sangkap (C)upang magsipagbunga sa kamatayan.

Read full chapter

Noong tayo'y nabubuhay pa sa laman, ang mga makasalanang pagnanasa, sa pamamagitan ng Kautusan, ay nag-uudyok sa ating mga bahagi upang magbunga tungo sa kamatayan.

Read full chapter

10 At ang utos (A)na sa ikabubuhay, ay nasumpungan kong ito'y sa ikamamatay;

Read full chapter

10 at ako'y namatay. Ang Kautusan na dapat sanang magbigay sa akin ng buhay ang nagdulot sa akin ng kamatayan.

Read full chapter

Nguni't kung (A)ang pangangasiwa ng kamatayan, (B)na nasusulat, at nauukit sa mga bato, ay nangyaring may kaluwalhatian, (C)ano pa't ang mga anak ni Israel ay hindi (D)makatitig sa mukha ni Moises, dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha; na ang kaluwalhatiang ito'y lumilipas:

Read full chapter

Ngayon, (A) kung ang paglilingkod[a] na may dalang kamatayan na nakasulat at nakaukit sa mga bato ay dumating na may kaluwalhatian, anupa't ang mga Israelita ay hindi makatitig sa mukha ni Moises dahil sa kaluwalhatian nito, bagama't ang kaluwalhatiang iyon ay lumilipas,

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Corinto 3:7 ++ 7, 8, 9 o ministeryo.

Sapagka't kung (A)ang pangangasiwa ng kahatulan ay may kaluwalhatian, ay bagkus pa ngang higit na sagana sa kaluwalhatian (B)ang pangasiwang ukol sa katuwiran.

Read full chapter

Kung ang paglilingkod na may dalang kahatulan ay maluwalhati, lalong maluwalhati ang paglilingkod na may dalang katuwiran.

Read full chapter

10 Sapagka't ang lahat na sa mga gawang ayon sa kautusan (A)ay nasa ilalim ng sumpa: sapagka't nasusulat, (B)Sinusumpa ang bawa't hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan, upang gawin nila.

Read full chapter

10 Nasa ilalim ng sumpa ang lahat na umaasa sa mga gawa ng Kautusan, (A) sapagkat nasusulat, “Sumpain ang hindi tumutupad sa lahat ng nakasulat sa aklat ng Kautusan.”

Read full chapter