Add parallel Print Page Options

Na nalalaman natin, na ang (A)ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang (B)ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan;

Read full chapter

Dapat nating malaman ito: na ang dati nating pagkatao ay ipinakong kasama niya sa krus, upang ang makasalanang pagkatao ay mamatay, at nang hindi na tayo pagharian pa ng kasalanan.

Read full chapter

Sapagka't (A)ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng (B)Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin (C)at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan:

Read full chapter

Ang hindi magawa ng Kautusan, na pinahihina ng laman, ay ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng pagsusugo sa kanyang sariling Anak sa anyo ng makasalanang pagkatao upang hatulan niya ang kasalanan. Sa gayon, sa kanya iginawad ang hatol sa kasalanan.

Read full chapter

15 (A)Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sila'y mga inilagay niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay siya sa kanila (B)sa bagay na ito.

Read full chapter

15 At matapos niyang tanggalan ng kapangyarihan ang mga pamunuan at mga pamamahala, sila'y inilantad niya sa madla upang ipakita ang kanyang pagwawagi laban sa kanila sa pamamagitan ng krus.

Read full chapter