Roma 11:1
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Hindi Ganap na Itinakwil ng Diyos ang Israel
11 Kaya ito (A) ang sinasabi ko: Itinakwil na ba ng Diyos ang kanyang bayan? Huwag nawang mangyari! Ako mismo ay Israelita, mula sa lahi ni Abraham, mula sa lipi ni Benjamin.
Read full chapter
Roma 11:1
Ang Biblia (1978)
11 Sinasabi ko nga, Itinakuwil baga ng Dios ang kaniyang bayan? Huwag nawang mangyari. Sapagka't (A)ako man ay Israelita, sa binhi ni Abraham, sa angkan ni Benjamin.
Read full chapter
Mga Gawa 23:6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Nang (A) mapansin ni Pablo na ang ilan ay mga Saduceo at ang iba'y mga Fariseo, sinabi niya nang malakas sa Sanhedrin, “Mga kapatid, ako'y isang Fariseo, anak ng mga Fariseo. Nililitis ako ngayon dahil sa pag-asang bubuhaying muli ang mga patay.”
Read full chapter
Mga Gawa 23:6
Ang Biblia (1978)
6 Datapuwa't nang matalastas ni Pablo na ang isang bahagi ay mga (A)Saduceo at ang iba'y mga Fariseo, ay sumigaw siya sa Sanedrin, Mga kapatid na lalake, (B)ako'y Fariseo, anak ng mga Fariseo: ako'y sinisiyasat (C)tungkol sa pagasa at pagkabuhay na maguli ng mga patay.
Read full chapter
Mga Gawa 26:5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
5 Alam (A) nila mula pa nang una, kung handa silang magpatunay, na namuhay ako bilang Fariseo, ang pinakamahigpit na sekta ng aming relihiyon.
Read full chapter
Mga Gawa 26:5
Ang Biblia (1978)
5 Na napagtatalastas nila mula pa nang una, kung ibig nilang magsisaksi, na alinsunod sa (A)lalong mahigpit na sekta ng aming relihion ay nabuhay akong isang Fariseo.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978