Add parallel Print Page Options

Panginoon, alalahanin nʼyo po ang nangyari sa amin. Masdan nʼyo ang dinanas naming kahihiyan. Kinuha ng mga dayuhan ang mga lupaʼt bahay namin. Naulila kami sa ama, kaya nabiyuda ang aming mga ina. Kinakailangang bayaran pa namin ang tubig na aming iniinom at ang kahoy na aming ipinanggagatong. Pinagtatrabaho kaming parang mga hayop at hindi man lang pinagpapahinga. Nagpasakop kami sa mga taga-Egipto at Asiria para magkaroon ng pagkain. Ang mga ninuno naming patay na ang nagkasala pero kami ngayon ang nagdurusa dahil sa kanilang kasalanan. Napailalim kami sa mga alipin at walang makapagligtas sa amin mula sa kanilang mga kamay. Sa paghahanap namin ng pagkain, nanganib ang aming mga buhay sa mga armadong tao sa disyerto. 10 Nilalagnat kami dahil sa matinding gutom, at ang aming katawan ay kasing init ng pugon. 11 Pinagsamantalahan ang mga asawa namin sa Jerusalem at ang mga anak naming babae sa mga bayan ng Juda. 12 Ibinitin sa pamamagitan ng pagtali sa kamay ang aming mga tagapamahala at hindi iginalang ang aming matatanda. 13 Ang aming mga kabataang lalaki ay parang aliping sapilitang pinagtrabaho sa mga gilingan at ang mga batang lalaki ay nagkandasuray-suray sa pagpasan ng mabibigat na kahoy. 14 Ang matatanda ay hindi na umuupo sa mga pintuan ng lungsod para magbigay ng payo at ang mga kabataang lalaki ay hindi na tumutugtog ng musika. 15 Wala na kaming kagalakan. Sa halip na magsayaw, nagdadalamhati kami. 16 Wala na rin kaming karangalan. Nakakaawa kami dahil kami ay nagkasala. 17 Dahil dito, nasasaktan ang aming damdamin at nagdidilim ang aming paningin. 18 Dahil napakalungkot na ng Jerusalem at mga asong-gubat na lamang ang gumagala rito.

19 O Panginoon, maghahari kayo magpakailanman. Ang inyong paghahari ay magpapatuloy sa lahat ng salinlahi. 20 Bakit palagi nʼyo kaming kinakalimutan? Bakit kay tagal nʼyo kaming pinabayaan? 21 Ibalik nʼyo kami sa inyo, at kami ay babalik. Ibalik nʼyo kami sa dati naming kalagayan. 22 Talaga bang sobra na ang galit nʼyo sa amin kaya itinakwil nʼyo na kami?

'Panaghoy 5 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Idinaing ang kapighatian sa pagkabihag. Panalangin upang humingi ng habag.

Iyong alalahanin, Oh Panginoon, (A)kung anong dumating sa amin:
Iyong masdan, at tingnan ang aming pagkadusta.
Ang aming mana ay (B)napasa mga taga ibang lupa,
Ang aming mga bahay ay sa mga taga ibang bayan.
Kami ay mga ulila at walang ama;
Ang aming mga ina ay parang mga bao.
Aming ininom ang aming tubig sa halaga ng salapi;
Ang aming kahoy ay ipinagbibili sa amin.
Ang mga manghahabol sa amin ay nangasa aming mga leeg:
Kami ay mga pagod, at walang kapahingahan.
Kami ay nakipagkamay (C)sa mga taga Egipto,
At sa mga taga Asiria, upang mangabusog ng tinapay.
Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na;
At aming pinasan ang kanilang mga kasamaan.
Mga alipin ay nangagpupuno (D)sa amin:
Walang magligtas sa amin sa kanilang kamay.
Aming tinatamo ang aming tinapay sa pamamagitan ng kapahamakan ng aming buhay,
Dahil sa tabak sa ilang.
10 Ang aming balat (E)ay maitim na parang hurno,
Dahil sa maningas na init ng kagutom.
11 Kanilang dinahas ang mga babae, (F)sa Sion,
Ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda.
12 Ang mga prinsipe ay nangabibitin ng kanilang kamay:
Ang mga mukha ng mga matanda ay (G)hindi iginagalang.
13 Ang mga binata ay nangagpapasan (H)ng gilingan,
At ang mga bata ay nangadudulas sa lilim ng kahoy.
14 Ang mga matanda ay wala na sa pintuang-bayan.
Ang mga binata'y wala na sa kanilang mga tugtugin.
15 Ang kagalakan ng aming puso ay naglikat;
Ang aming sayaw ay napalitan ng tangisan.
16 Ang putong ay nahulog mula sa aming ulo:
Sa aba namin! sapagka't kami ay nangagkasala.
17 Dahil dito ang aming puso ay nanglulupaypay;
Dahil sa mga bagay na ito ay nagdidilim ang aming mga mata;
18 Dahil sa bundok ng Sion na nasira;
Nilalakaran ng mga zora.
19 Ikaw, Oh Panginoon, (I)nananatili magpakailan man:
(J)Ang iyong luklukan ay sa sali't saling lahi.
20 Bakit mo kami nililimot (K)magpakailan man,
At pinababayaan mo kaming totoong malaon?
21 Manumbalik ka sa amin, (L)Oh Panginoon, at kami ay manunumbalik:
Baguhin mo ang aming mga araw na gaya nang una.
22 Nguni't itinakuwil mo kaming lubos,
Ikaw ay totoong napoot sa amin.