Add parallel Print Page Options

Ang mga mamamayan ng Jerusalem ay tulad ng kumupas na ginto o ng mamahaling bato na nagkalat sa lansangan. Kung katulad sila ng tunay na ginto noon, ngayon namaʼy itinuturing na parang mga palayok na gawa sa putik. Kahit na ang mga asong-gubat ay pinasususo ang kanilang mga tuta, pero ang mga mamamayan koʼy naging malupit sa kanilang mga anak, gaya ng malalaking ibon[a] sa disyerto.

Dumidikit na sa ngala-ngala ng mga sanggol ang mga dila nila dahil sa uhaw. Humihingi ng pagkain ang mga bata pero walang nagbibigay sa kanila. Ang mga taong dati ay kumakain ng masasarap, ngayoʼy namamatay na sa gutom sa mga lansangan. Ang mga dating lumaking mayaman, ngayoʼy naghahalungkat ng makakain sa mga basurahan. Ang parusa sa aking mga kababayan ay higit pa sa parusa sa mga taga-Sodom, na biglang winasak ng Dios at ni walang tumulong. Ang mga pinuno ng Jerusalem, nooʼy malulusog at malalakas ang katawan. Nakakasilaw ang kanilang kaputian gaya ng snow o gatas, at mamula-mula ang kutis tulad ng mga mamahaling bato. Pero ngayon, hindi na sila makilala at mas maitim pa kaysa sa uling. Mga butoʼt balat na lamang sila at parang kahoy na natuyo. Di-hamak na mas mabuti pa ang mga namatay sa digmaan kaysa sa mga namatay sa gutom na unti-unting namatay dahil sa walang makain. 10 At dahil sa kapahamakang ito na nangyari sa aking mga kababayan, ang mga mapagmahal na ina ay napilitang iluto ang sarili nilang mga anak para kainin dahil sa labis na gutom.

11 Ibinuhos ng Panginoon ang matindi niyang poot sa Jerusalem, sinunog niya ito pati na ang pundasyon nito. 12 Hindi makapaniwala ang mga hari sa buong mundo pati na ang kanilang mga nasasakupan, na mapapasok ng mga kaaway ang mga pintuan ng Jerusalem. 13 Pero nangyari ito dahil sa kasalanan ng mga propeta at mga pari nito na pumatay ng mga taong walang kasalanan. 14 Sila ngayon ay nangangapa sa mga lansangan na parang mga bulag. Puno ng dugo ang kanilang mga damit, kaya walang sinumang nagtangkang humipo sa kanila. 15 Pinagsisigawan sila ng mga tao, “Lumayo kayo! Marumi kayo. Huwag nʼyo kaming hipuin.” Kaya lumayo silaʼt nagpalaboy-laboy sa ibang mga bansa pero walang tumanggap sa kanila. 16 Ang Panginoon ang siyang nagpangalat sa kanila at hindi na niya sila pinapansin. Hindi na iginagalang ang mga pari at ang mga tagapamahala.

17 Lumalabo na ang aming paningin sa kahihintay ng tulong ng aming mga kakamping bansa, pero hindi sila tumulong sa amin. Sa mga tore namin ay nagbantay kami at naghintay sa pagdating ng mga bansang ito na hindi rin makapagliligtas sa amin. 18 Binabantayan ng mga kaaway ang mga kilos namin. Hindi na kami makalabas sa mga lansangan. Bilang na ang mga araw namin; malapit na ang aming katapusan. 19 Ang mga kaaway na tumutugis sa amin ay mas mabilis pa kaysa sa agila. Tinutugis kami sa mga bundok at inaabangan kami sa disyerto para salakayin. 20 Nahuli nila ang aming hari na hinirang ng Panginoon, ang inaasahan naming mangangalaga sa amin mula sa mga kaaway naming bansa.

21 Magalak kayo ngayon, mga angkan ni Edom na nakatira sa lupain ng Uz. Dahil kayo man ay paiinumin din sa tasa ng parusa ng Panginoon. Malalasing din kayo at malalagay sa kahihiyan. 22 Mga taga-Jerusalem, matatapos na ang parusa ninyo. Hindi magtatagal ay pauuwiin na kayo ng Panginoon mula sa lugar na ito na pinagdalhan sa inyo nang bihagin kayo. Pero kayong mga taga-Edom, parurusahan kayo ng Panginoon dahil sa inyong mga kasalanan at ibubunyag niya ang inyong kasamaan.

Footnotes

  1. 4:3 malalaking ibon: sa Ingles, “ostrich.”
'Panaghoy 4 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Inilarawan ang pagkalagim nang sakupin.

Ano't ang ginto ay naging malabo! ano't ang pinakadalisay na ginto ay nagbago!
Ang mga bato ng santuario ay natapon sa (A)dulo ng lahat na lansangan.
Ang mga mahalagang anak ng Sion, na katulad ng dalisay na ginto,
(B)Ano't pinahahalagahan na waring mga sisidlang lupa, na gawa ng mga kamay ng magpapalyok!
Maging ang mga chakal ay naglalabas ng suso, nangagpapasuso sa kanilang mga anak:
Ang anak na babae ng aking bayan ay naging mabagsik, (C)parang mga avestruz sa ilang.
Ang dila ng (D)sumususong bata ay nadidikit sa ngalangala ng kaniyang bibig dahil sa uhaw:
(E)Ang mga munting bata ay nagsisihingi ng tinapay, at walang taong magpuputol nito sa kanila.
Silang nagsisikaing mainam ay nangahandusay sa mga lansangan:
Silang nagsilaki sa matingkad na pula ay (F)nagsisihiga sa mga tapunan ng dumi.
Sapagka't ang kasamaan ng anak na babae ng aking bayan ay lalong malaki kay sa kasalanan ng Sodoma,
Na (G)nagiba sa isang sangdali, at walang mga kamay na humawak sa kaniya.
Ang kaniyang (H)mga mahal na tao ay lalong malinis kay sa nieve, mga lalong maputi kay sa gatas;
Sila'y lalong mapula sa katawan kay sa mga rubi, ang kanilang kinis ay parang zafiro.
Ang kanilang anyo ay lalong maitim kay sa uling; sila'y hindi makilala sa mga lansangan:
(I)Ang kanilang balat ay naninikit sa kanilang mga buto; natutuyo, nagiging parang tungkod.
Silang napatay ng tabak ay maigi kay sa kanila na napatay ng gutom;
Sapagka't ang mga ito ay nagsisihapay, na napalagpasan, dahil sa pangangailangan ng mga bunga sa parang.
10 (J)Ang mga kamay ng mga (K)mahabaging babae ay nangagluto ng kanilang sariling mga anak;
Mga naging kanilang pagkain sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.
11 Ginanap ng Panginoon ang kaniyang kapusukan, kaniyang ibinugso ang kaniyang mabangis na galit;
At siya'y nagpaalab ng apoy sa Sion, na pumugnaw ng mga patibayan niyaon.
12 Ang mga hari sa lupa ay hindi nanganiwala, o ang lahat mang nananahan sa sanglibutan,
Na ang kaaway at kalaban ay papasok sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem.
13 (L)Dahil nga sa mga kasalanan ng kaniyang mga propeta, at sa mga kasamaan ng kaniyang mga saserdote,
(M)Na nagbubo ng dugo ng mga ganap sa gitna niya.
14 Sila'y nagsisikapa sa mga lansangan na parang mga bulag, sila'y nangadudumhan ng dugo,
Na anopa't hindi mahipo ng mga tao ang kanilang mga suot.
15 Magsihiwalay kayo, (N)sila'y nagsisihiyaw sa kanila, Marurumi! magsihiwalay kayo, magsihiwalay kayo, huwag ninyong hipuin:
Nang sila'y magsitakas at magsilaboy ay sinabi ng mga tao sa gitna ng mga bansa, Hindi na sila nangingibang bayan pa rito.
16 Pinangalat sila ng galit ng Panginoon; sila'y hindi na niya lilingapin pa.
(O)Hindi nila iginagalang ang mga pagkatao ng mga saserdote, hindi nila pinakukundanganan ang mga matanda.
17 Ang aming mga mata ay nangangalumata dahil sa aming paghihintay (P)ng walang kabuluhang tulong:
Sa aming paghihintay ay nangaghihintay kami sa isang (Q)bansa na hindi makapagligtas.
18 Kanilang inaabangan ang aming mga hakbang, (R)upang huwag kaming makayaon sa aming mga lansangan:
Ang aming wakas ay malapit na, ang aming mga kaarawan ay nangaganap; sapagka't ang aming wakas ay dumating.
19 Ang mga manghahabol sa amin ay (S)lalong maliliksi kay sa mga aguila sa himpapawid:
Kanilang hinabol kami sa mga bundok, kanilang binakayan kami sa ilang.
20 Ang hinga ng aming mga butas ng ilong, ang pinahiran ng Panginoon (T)ay nahuli sa kanilang mga hukay;
Na siya naming pinagsasabihan, sa kaniyang mga lilim ay mabubuhay kami sa mga bansa.
21 Ikaw ay magalak at matuwa. Oh anak na babae ng Edom, na tumatahan sa lupain ng (U)Uz:
Ang saro ay darating (V)din sa iyo; ikaw ay malalango, at magpapakahubad.
22 Ang parusa sa iyong kasamaan ay naganap, Oh anak na babae ng Sion, hindi ka na niya dadalhin pa sa pagkabihag:
Kaniyang dadalawin ang iyong kasamaan, Oh anak na babae ng Edom; kaniyang ililitaw ang iyong mga kasalanan.