Add parallel Print Page Options

11 Ang pagpapatutot at ang alak at bagong alak ay (A)nagaalis ng kaalaman.

12 Ang aking bayan ay humingi ng payo sa kanilang (B)tungkod, at ang (C)kanilang tungkod ay nagpapahayag sa kanila; sapagka't ang pagpapatutot ay nagligaw sa kanila, at sila'y nagpatutot, na nagsisihiwalay sa kanilang Dios.

13 Sila'y nangaghahain sa mga taluktok (D)ng mga bundok, at nangagsusunog ng kamangyan sa mga burol, sa ilalim ng mga (E)encina at ng mga alamo at ng mga roble, sapagka't ang lilim ng mga yaon ay mabuti: kaya't ang inyong mga anak na babae ay nagpatutot, at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya.

Read full chapter