Add parallel Print Page Options

Naglagay ng mga Pinuno sa Jerusalem

Natapos ang pader ng lunsod at naikabit na ang mga pintuan nito. May itinalaga na ring mga bantay, mga mang-aawit, at mga Levita. Pagkatapos nito, ang Jerusalem ay inilagay ko sa pamamahala ng dalawang kalalakihan, si Hanani na aking kapatid at si Hananias na pinuno ng mga bantay sa kuta. Si Hananias ay mapagkakatiwalaan at malaki ang takot sa Diyos kaysa iba. Iniutos kong ang mga pintuan ng Jerusalem ay bubuksan lamang kapag mataas na ang araw, isasara at ikakandado agad paglubog ng araw bago magpahinga ang mga bantay. Iniutos ko ring maglagay sila ng mga bantay-pintuan na taga-Jerusalem. Itinalaga nila ang ilan sa mga ito sa mga bantayan at ang iba nama'y sa malapit sa kani-kanilang bahay.

Ang Listahan ng mga Bumalik Mula sa Pagkabihag(A)

Bagama't malaki ang lunsod ng Jerusalem, kakaunti pa lamang ang mga tao dito at hindi pa nagagawang lahat ang mga bahay. Pinangunahan ako ng Diyos upang tipunin ang mga tao at ang kanilang mga pinuno at mga hukom para suriin ang listahan ng kanilang mga angkan. Natagpuan ko ang listahan ng mga angkan na unang nagbalik mula sa pagkabihag sa Babilonia. Ito ang mga Judiong nabihag ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia at muling nakabalik sa Jerusalem at sa kani-kanilang bayan sa Juda: Ang mga pinuno nila ay sina Zerubabel, Josue, Nehemias, Azarias, Raamias, Nahamani, Mordecai, Bilsan, Misperet, Bigvai, Nehum at Baana. 8-25 Ito ang listahan ng mga angkan ng Israel at ng bilang ng bawat angkan na bumalik mula sa pagkabihag:

AngkanBilang
Paros2,172
Sefatias372
Arah652
Pahat-moab na mula sa angkan ni Jeshua at Joab2,818
Elam1,254
Zatu845
Zacai760
Binui648
Bebai628
Azgad2,322
Adonikam667
Bigvai2,067
Adin655
Ater na tinatawag ding Hezekias98
Hasum328
Bezai324
Harif112
Gibeon95

26-38 Ito naman ang listahan ng mga bumalik ayon sa bayang pinagmulan ng kanilang mga ninuno:

BayanBilang
Bethlehem at Netofa188
Anatot128
Beth-azmavet42
Jearim, Quefira, at Beerot743
Rama at Geba621
Micmas122
Bethel at Ai123
Nebo52
Elam1,254
Harim320
Jerico345
Lod, Hadid at Ono721
Senaa3,930

39-42 Ito ang listahan ng mga angkan ng mga pari na nagbalik mula sa pagkabihag: angkan ni Jedaias mula sa lipi ni Jeshua, 973; angkan ni Imer, 1,052; angkan ni Pashur, 1,247; angkan ni Harim, 1,017.

43 Ito ang listahan ng mga angkan ng mga Levita na nagbalik mula sa pagkabihag: angkan nina Jeshua at Kadmiel mula sa lipi ni Hodavias, 74.

44 Mga mang-aawit sa Templo: angkan ni Asaf, 148.

45 Mga bantay sa Templo: angkan nina Sallum, Ater, Talmon, Akub, Hatita at Sobai, 138.

46-56 Ito naman ang listahan ng mga angkan ng mga manggagawa sa Templo na nagbalik mula sa pagkabihag:

Ziha, Hasufa, Tabaot,

Keros, Sia, Padon,

Lebana, Hagaba, Salmai,

Hanan, Gidel, Gahar,

Reaias, Rezin, Nekoda,

Gazam, Uza, Pasea,

Besai, Meunim, Nefusesim,

Bakbuk, Hakufa, Harhur,

Bazlit, Mehida, Harsa,

Barkos, Sisera, Tema,

Nezias at Hatifa.

57-59 Ito ang listahan ng angkan ng mga lingkod ni Solomon na bumalik mula sa pagkabihag: mga angkan nina Sotai, Soferet, Perida, Jaala, Darkon, Gidel, Sefatias, Hatil, Poqueret-hazebaim at Ammon.

60 Ang kabuuang bilang ng mga nakabalik na mga manggagawa sa Templo na mga anak ng mga lingkod ni Solomon ay 392.

61-62 Ito naman ang mga nakabalik mula sa Tel-mela, Tel-harsa, Querub, Adon at Imer ngunit hindi nila napatunayang sila'y mga Israelita: mga angkan nina Delaias, Tobias at Nekoda, 642.

63 Ito naman ang mga nakabalik sa mga angkan ng pari, ngunit hindi nila napatunayan ang pinagmulan nilang angkan: angkan nina Hobaias, Hakoz at Barzilai. Ang ninuno ng mga paring mula sa angkan ni Barzilai ay napangasawa ng anak na babae ni Barzilai na taga-Gilead, at siya ay tinawag sa pangalan ng kanyang biyenan. 64 Hinanap nila ang kanilang angkan sa listahan ng mga angkan ngunit hindi nakita, kaya sila'y hindi kinilalang mga pari. 65 Pinagbawalan(B) sila ng gobernador na kumain ng pagkaing inialay sa Diyos, hanggang wala pang paring gumagamit ng Urim at Tumim.

66 Ang kabuuan ng mga bihag na nakabalik ay 42,360. 67 Ang mga aliping lalaki at babae ay 7,337 at ang mga mang-aawit na babae at lalaki ay 245.

68-69 May naibalik ding 736 na kabayo, 245 mola,[a] 435 kamelyo at 6,720 asno.

70-72 Ilan sa mga pinuno ng mga angkan ang nagbigay ng ambag para ipagawang muli ang templo. Ang gobernador ay nagbigay ng walong kilong ginto, limampung mangkok na pilak na ginagamit sa pagsamba at 530 kasuotan ng mga pari. May iba pang mga pinuno ng angkan na nagbigay ng 168 kilong ginto at 1,250 kilong pilak. Ang kabuuang ipinagkaloob ng iba pang mga tao ay 168 kilong ginto, 140 kilong pilak at 67 na kasuotan ng mga pari.

73 Ang(C) mga pari, mga Levita, mga bantay ng Templo, mga mang-aawit, mga lingkod sa Templo at lahat ng Israelita ay tumira sa mga bayan at lunsod ng Juda.

Footnotes

  1. 68-69 736 na kabayo…mola: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
'Nehemias 7 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang pintuang-bayan ay sara sa gabi.

Nangyari nga (A)nang ang kuta ay maitayo, at aking mailagay ang mga pinto, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga mangaawit, at ang mga Levita ay mangahalal.

Na aking ibinigay kay (B)Hanani, na aking kapatid at kay Hananias na tagapamahala ng kuta, ang pamamahala sa Jerusalem: sapagka't siya'y tapat na lalake at natatakot sa Dios na higit kay sa marami.

At aking sinabi sa kanila, Huwag buksan ang mga pintuang-bayan ng Jerusalem hanggang sa ang araw ay uminit; at samantalang sila'y nangagbabantay, isara nila ang mga pinto, at inyong mga itrangka: at kayo'y mangaghalal ng mga bantay sa mga taga Jerusalem, bawa't isa'y sa kaniyang pagbabantay, at bawa't isa'y sa tapat ng kaniyang bahay.

Ang bayan nga ay maluwang at malaki: nguni't ang mga tao ay kakaunti roon, at ang mga bahay ay hindi naitatayo pa.

Ang mga unang bumalik mula sa Babilonia.

At inilagak ng aking Dios sa aking puso na pisanin ang mga mahal na tao, at ang mga pinuno, at ang bayan, upang mangabilang ayon sa talaan ng lahi. At aking nasumpungan ang aklat ng talaan ng lahi nila na nagsiahon (C)noong una, at aking nasumpungang nakasulat doon:

(D)Ang mga ito sa nangadala, ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nagsibalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa't isa'y sa kaniyang bayan;

Na siyang nagsisama kay Zorobabel, kay Jesua, kay Nehemias, kay (E)Azarias, kay Raamias, kay Nahamani, kay Mardocheo, kay Bilsan, kay Misperet, kay Bigvai, kay Nehum, kay Baana. Ang bilang ng mga lalake ng Israel ay ito:

Ang mga anak ni Paros, dalawang libo't isang daan at pitong pu't dalawa.

Ang mga anak ni Sephatias, tatlong daan at pitong pu't dalawa.

10 Ang mga anak ni Ara, (F)anim na raan at limang pu't dalawa.

11 Ang mga anak ni Pahath-moab, sa mga anak ni Jesua at ni Joab, dalawang libo't walong daan at (G)labing walo.

12 Ang mga anak ni Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.

13 Ang mga anak ni Zattu, (H)walong daan at apat na pu't lima.

14 Ang mga anak ni Zachai, pitong daan at anim na pu.

15 Ang mga anak ni (I)Binnui, anim na raan at apat na pu't walo.

16 Ang mga anak ni Bebai, (J)anim na raan at dalawang pu't walo.

17 Ang mga anak ni Azgad, dalawang libo't tatlong daan at dalawang pu't dalawa.

18 Ang mga anak ni Adonicam, anim na raan at anim na pu't pito.

19 Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo't anim na pu't pito.

20 Ang mga anak ni Addin, anim na raan at limang pu't lima.

21 Ang mga anak ni Ater, ni Ezechias, siyam na pu't walo.

22 Ang mga anak ni Hasum, (K)tatlong daan at dalawang pu't walo.

23 Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawang pu't apat.

24 Ang mga anak ni Hariph, isang daan at labing dalawa.

25 Ang mga anak ni Gabaon, siyam na pu't lima.

26 Ang mga lalake ng Beth-lehem, at ng Netopha, (L)isang daan at walong pu't walo.

27 Ang mga lalake ng Anathoth, isang daan at dalawang pu't walo.

28 Ang mga lalake ng (M)Beth-azmaveth, apat na pu't dalawa.

29 Ang mga lalake ng (N)Chiriathjearim, ng Chephra, at ng Beeroth, pitong daan at apat na pu't tatlo.

30 Ang mga lalake ng Rama, at ng Gebaa, anim na raan at dalawang pu't isa.

31 Ang mga lalake ng Michmas, isang daan at dalawang pu't dalawa.

32 Ang mga lalake ng Beth-el at ng Ai (O)isang daan at dalawang pu't tatlo.

33 Ang mga lalake ng isang Nebo, limang pu't dalawa.

34 Ang mga anak ng isang Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.

35 Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawang pu.

36 Ang mga anak ni Jerico, tatlong daan at apat na pu't lima.

37 Ang mga anak ni Lod, ni Hadid, at ni Ono, (P)pitong daan at dalawang pu't isa.

38 Ang mga anak ni Senaa, tatlong libo at siyam na raan at tatlong pu.

39 Ang mga saserdote: ang mga anak ni Jedaias sa sangbahayan ni Jesua, siyam na raan at pitong pu't tatlo.

40 Ang mga anak ni Immer, isang libo't limang pu't dalawa.

41 Ang mga anak ni Pashur, isang libo't dalawang daan at apat na pu't pito.

42 Ang mga anak ni Harim, isang libo't labing pito.

43 Ang mga Levita: ang mga anak ni Jesua, ni Cadmiel, sa mga anak ni (Q)Odevia, pitong pu't apat.

44 Ang mga mangaawit: ang mga anak ni Asaph, (R)isang daan at apat na pu't walo.

45 Ang mga tagatanod-pinto: ang mga anak ni Sallum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon, ang mga anak ni Accub, ang mga anak ni Hatita, ang mga anak ni Sobai, isang daan at tatlong pu't walo.

46 Ang mga Nethineo: ang mga anak ni Siha, ang mga anak ni Hasupha, ang mga anak ni Thabaoth;

47 Ang mga anak ni Ceros, ang mga anak ni Siaa, ang mga anak ni Phadon:

48 Ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba, ang mga anak ni Salmai;

49 Ang mga anak ni Hanan, ang mga anak ni Giddel, ang mga anak ni Gahar;

50 Ang mga anak ni Rehaia, ang mga anak ni Resin, ang mga anak ni Necoda;

51 Ang mga anak ni Gazzam, ang mga anak ni Uzza, ang mga anak ni Phasea;

52 Ang mga anak ni Besai, ang mga anak ni Meunim, ang mga anak ni Nephisesim;

53 Ang mga anak ni Bacbuc, ang mga anak ni Hacupha, ang mga anak ni Harhur;

54 Ang mga anak ni Baslit, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa;

55 Ang mga anak ni Barcos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Tema;

56 Ang mga anak ni Nesia, ang mga anak ni Hatipha.

57 Ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon; ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Sophereth, ang mga anak ni Perida;

58 Ang mga anak ni Jahala, ang mga anak ni Darcon, ang mga anak ni Giddel;

59 Ang mga anak ni Sephatias, ang mga anak ni Hattil, ang mga anak ni Pochereth-hassebaim, ang mga anak ni (S)Amon.

60 Lahat ng Nethineo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon, ay tatlong daan at siyam na pu't dalawa.

61 At ang mga ito ang nagsiahon mula sa Telmelah, Telharsa, Cherub, Addon, at Immer: nguni't hindi nila naipakilala ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, o ang kanilang binhi man kung mga taga Israel:

62 Ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Necoda, (T)anim na raan at apat na pu't dalawa.

63 At sa mga saserdote: ang mga anak ni Hobaias, ang mga anak ni Cos, ang mga anak ni Barzillai, na nagasawa sa anak ni Barzillai, na Galaadita, at tinawag ayon sa kanilang pangalan.

64 Ang mga ito ay nagsihanap ng kanilang talaan ng lahi sa mga yaon na nangabilang sa pamamagitan ng talaan ng lahi, nguni't hindi nasumpungan: kaya't sila'y nangabilang na hawa, at nangaalis sa pagkasaserdote.

65 At ang (U)tagapamahala ay nagsabi sa kanila na sila'y huwag magsikain ng mga kabanalbanalang bagay, hanggang sa tumayo ang isang saserdote na may Urim at may Thummim.

Ang buong bilang.

66 Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu't dalawang libo at tatlong daan at anim na pu.

67 Bukod sa kanilang mga bataang lalake at babae, na may pitong libo at tatlong daan at tatlong pu't pito: at sila'y may (V)dalawang daan at apat na pu't lima na mangaawit na lalake at babae.

68 Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu't anim; ang kanilang mga mula, dalawang daan at apat na pu't lima;

69 Ang kanilang mga kamelyo, apat na raan at tatlong pu't lima; ang kanilang mga asno, anim na libo't pitong daan at dalawang pu.

Ang salapi ay ibinigay para sa templo.

70 At ang mga iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa gawain. Ang tagapamahala ay nagbigay sa ingatang-yaman ng isang libong darikong ginto, limangpung mangkok, limang daan at tatlong pung bihisan ng mga saserdote.

71 At ang iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa ingatang-yaman ng gawain ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libo at dalawang daang librang pilak.

72 At ang nangalabi sa bayan ay nangagbigay ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libong librang pilak, at anim na pu't pitong bihisan ng mga saserdote.

73 Sa gayo'y ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga mangaawit, at ang iba sa bayan, at ang mga Nethineo, at ang buong Israel, ay nagsitahan sa kanilang mga bayan. (W)At nang dumating ang ikapitong buwan ang mga anak ni Israel ay nangasa kanilang mga bayan.