Add parallel Print Page Options

Ang pagkaguho ng Ninive ay itinakda.

Siyang bumabasag ay sumampa sa harapan mo: ingatan mo ang katibayan, bantayan mo ang daan, palakasin mo ang iyong mga balakang, patibayin mo ang iyong kapangyarihan na mainam,

Sapagka't ibinabalik ng Panginoon ang (A)karilagan ng Jacob na gaya ng karilagan ng Israel: sapagka't ang mga tagatuyo ay nagsituyo sa kanila, at sinira ang mga sanga ng kanilang mga puno ng ubas.

Ang kalasag ng kaniyang mga makapangyarihang lalake ay pumula, ang matapang na lalake ay nakapanamit ng matingkad na pula: ang mga karo ay nagsisikislap ng patalim sa kaarawan ng kaniyang paghahanda, at ang mga sibat na abeto ay nagsisigalaw ng kakilakilabot.

Ang mga karo ay nagsisihagibis sa mga lansangan; nangagkakabanggang isa't isa sa mga daan: ang anyo ng mga yaon ay gaya ng mga sulo; nagsisitakbong parang mga kidlat.

Naaalaala niya ang kaniyang mga bayani: sila'y nangatitisod sa kanilang paglakad; sila'y nangagmamadali sa kuta niyaon, at ang panakip ay handa.

Ang mga pintuan ng mga ilog ay bukas, at ang palacio ay nalansag.

At si Huzab ay nahubdan; siya'y dinala; at ang kaniyang mga alilang babae ay nananaghoy na parang huni ng mga kalapati, na nagsisidagok sa kanilang mga dibdib.

Datapuwa't ang Ninive mula nang una ay naging parang lawa ng tubig: gayon ma'y nagsisitakas. Tigil kayo, tigil kayo, isinisigaw nila; nguni't walang lumilingon.

Kunin ninyo ang samsam na pilak, kunin ninyo ang samsam na ginto; sapagka't walang katapusang kayamanan, na kaluwalhatian sa lahat ng maligayang kasangkapan.

10 Siya'y tuyo, at walang laman, at wasak; at ang puso ay natutunaw, at ang mga tuhod ay nagkakaumpugan, at ang pagdaramdam ay nasa lahat ng mga balakang, at (B)ang mga mukha nilang lahat ay nangamumutla.

11 Saan nandoon ang yungib ng (C)mga leon, at ang dakong sabsaban ng mga batang leon, na nililibutan ng leon at ng babaeng leon, ng batang leon, at walang tumatakot sa kanila?

12 Ang leon ay kumakatay ng sagana para sa kaniyang mga anak, at lumalapa para sa kaniyang mga babaeng leon, at pinupuno ng huli ang kaniyang mga cueba, at ng tangay ang kaniyang mga yungib.

13 Narito, ako'y laban sa iyo, (D)sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at (E)aking susunugin ang kaniyang mga karo sa usok, at lalamunin ng tabak ang iyong mga batang leon; at aking ihihiwalay ang iyong huli sa lupa, at ang tinig ng iyong mga (F)sugo ay hindi na maririnig.

'Nahum 2 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang Pagbagsak ng Ninive

Ang tagapangalat ay umahon laban sa iyo.

    Magtalaga ka ng tao sa mga kuta;
    bantayan mo ang daan,
bigkisan mo ang iyong mga balakang,
tipunin mo ang lahat mong lakas.

Sapagkat ibinabalik ng Panginoon ang karilagan ng Jacob,

    gayundin ang karilagan ng Israel,
sapagkat hinubaran sila ng mga mandarambong
    at sinira ang mga sanga ng kanilang mga puno ng ubas.

Ang kalasag ng kanyang mga mandirigma ay pula,
    ang kanyang mga kawal ay nakadamit ng matingkad na pula.
Ang mga bakal ng karwahe ay kumikislap
    nang kanyang inihahanda sa pakikipaglaban;
    ang mga sibat na abeto ay iwinasiwas.

Ang mga karwahe ay humahagibis sa mga lansangan,

    sila'y paroo't-parito sa mga liwasan;
ang mga anyo ng mga ito ay gaya ng mga sulo;
ang mga ito'y humahagibis na parang kidlat.
Naaalala niya ang kanyang mga pinuno,
    sila'y natitisod sa kanilang paglakad;
sila'y nagmamadali sa pader,
    ang panakip ay inihanda.

Ang mga pintuan ng mga ilog ay bukas,

    at ang palasyo ay nalansag.
At ito'y nakatakda na, siya'y hinubaran at dinala;
    at ang kanyang mga alilang babae
ay nananaghoy na parang huni ng mga kalapati,
    at dinadagukan ang kanilang mga dibdib.
Ang Ninive ay gaya ng lawa ng tubig sa lahat ng mga araw niya, gayon may nagsisitakas,
“Tigil! Tigil!”—ngunit walang lumilingon.

Samsamin ninyo ang pilak,

    samsamin ninyo ang ginto!
Walang katapusan ang kayamanan,
    o kayamanan ng bawat mahalagang bagay.

10 Siya'y walang laman, pinabayaan at wasak!
    Ang mga puso ay nanghihina, at ang mga tuhod ay nanginginig,
ang lahat ng mga balakang ay nanginginig,
    ang lahat ng mga mukha ay namumutla!
11 Nasaan ang yungib ng mga leon,
    ang pastulan ng mga batang leon,
na pinagdadalhan ng leon ng kanyang biktima,
    na kinaroroonan ng kanyang mga anak, na doo'y walang umaabala sa kanila?
12 Ang leon ay lumalapa nang sapat para sa kanyang mga anak,
    at lumalapa ng biktima para sa kanyang mga babaing leon;
pinupuno niya ang kanyang yungib ng biktima
    at ang kanyang mga yungib ng nilapang laman.

13 Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking susunugin ang iyong mga karwahe sa usok, at lalamunin ng tabak ang iyong mga batang leon. Kukunin ko ang iyong biktima mula sa lupa, at ang tinig ng iyong mga sugo ay hindi na maririnig pa.