Add parallel Print Page Options

11 At ngayo'y maraming bansa (A)ay nangagpupulong laban sa iyo, na nangagsasabi, Madumhan siya, at makita ng ating mata ang nasa natin (B)sa Sion.

12 Nguni't hindi nila nalalaman ang mga pagiisip ng Panginoon, ni nauunawa man nila ang kaniyang payo; sapagka't kaniyang pinisan (C)sila na parang mga bigkis sa giikan.

13 Ikaw ay bumangon, at gumiik, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't aking gagawing bakal ang (D)iyong sungay, at aking gagawing tanso ang iyong mga kuko; at iyong pagluluraylurayin ang maraming bayan: at (E)iyong itatalaga ang kanilang pakinabang sa Panginoon, at ang kanilang (F)pagaari ay sa Panginoon ng buong lupa.

Read full chapter