Add parallel Print Page Options

29 At kanilang tinawag na Dan ang pangalan ng bayan, ayon sa pangalan ni (A)Dan na kanilang ama na (B)ipinanganak sa Israel: gayon ma'y ang pangalan ng bayan nang una ay (C)Lais.

30 At itinayo sa kanilang sarili ng mga anak ni (D)Dan ang larawang inanyuan: at si Jonathan na anak ni Gerson, na anak ni Moises, siya at ang kaniyang mga anak ay siyang mga saserdote sa lipi ng mga Danita hanggang sa araw ng pagkabihag sa lupain.

31 Gayon nila itinayo ang larawang inanyuan ni Michas na kaniyang ginawa, sa (E)buong panahon na ang bahay ng Dios ay nasa Silo.

Read full chapter