Add parallel Print Page Options

Nang magkagayo'y tumakas si Jephte sa harap ng kaniyang mga kapatid, at tumahan sa lupain ng (A)Tob: (B)at doo'y nakipisan kay Jephte ang mga lalaking walang kabuluhan, at nagsilabas na kasama niya.

At nangyari pagkaraan ng ilang panahon, na ang mga anak ni Ammon ay nakipagdigma sa Israel.

At nangyari, nang lumaban ang mga anak ni Ammon sa Israel, na ang mga (C)matanda sa Galaad ay naparoon upang sunduin si Jephte mula sa lupain ng Tob:

Read full chapter