Add parallel Print Page Options

25 Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa (A)mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang (B)mamagitan sa kanila.

26 Sapagka't nararapat sa atin ang gayong (C)dakilang saserdoteng (D)banal, walang sala, walang dungis, (E)nahihiwalay sa mga makasalanan, (F)at ginawang lalong mataas pa kay sa mga langit;

27 Na hindi nangangailangan (G)araw-araw na maghandog ng hain, na gaya niyaong mga dakilang saserdote (H)una-una'y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan: sapagka't (I)ito'y ginawa niyang (J)minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili.

Read full chapter