Add parallel Print Page Options

26 Na inaring malaking kayamanan (A)ang kadustaan ni Cristo, kay sa mga kayamanan ng Egipto: sapagka't ang kaniyang tinititigan ay (B)ang gantingpalang kabayaran.

27 Sa pananampalataya'y (C)iniwan niya ang Egipto, na hindi natakot sa poot ng hari: sapagka't nagtitiyagang (D)tulad sa nakakita niyaong di nakikita.

28 Sa pananampalataya'y itinatag niya ang paskua, (E)at ang pagwiwisik ng dugo, upang ang manglilipol sa mga panganay ay huwag silang lipulin.

Read full chapter