Add parallel Print Page Options

At sinabi (A)ng nangakatayo sa malapit, Nilalait mo ang dakilang saserdote ng Dios?

At sinabi ni Pablo, Hindi ko nalalaman, mga kapatid na lalake, na siya'y dakilang saserdote: sapagka't nasusulat, Huwag kang magsasalita ng masama (B)sa isang pinuno ng iyong bayan.

Datapuwa't nang matalastas ni Pablo na ang isang bahagi ay mga (C)Saduceo at ang iba'y mga Fariseo, ay sumigaw siya sa Sanedrin, Mga kapatid na lalake, (D)ako'y Fariseo, anak ng mga Fariseo: ako'y sinisiyasat (E)tungkol sa pagasa at pagkabuhay na maguli ng mga patay.

Read full chapter