Add parallel Print Page Options

32 At pagdaka'y (A)kumuha siya ng mga kawal at mga senturion, at sumagasa sa kanila: at sila, nang kanilang makita ang pangulong kapitan at ang mga kawal ay nagsitigil ng paghampas kay Pablo.

33 Nang magkagayo'y lumapit ang pangulong kapitan, at tinangnan siya, at (B)siya'y ipinagapos ng (C)dalawang tanikala; at itinanong kung sino siya, at kung ano ang ginawa niya.

34 At iba'y sumisigaw ng isang bagay, ang iba'y iba naman, sa gitna ng karamihan: at nang hindi niya maunawa ang katotohanan dahil sa kaguluhan, ay ipinadala siya sa (D)kuta.

Read full chapter