Add parallel Print Page Options

At siya'y umalis doon, at pumasok sa bahay ng isang lalaking nagngangalang Tito Justo, na (A)isang sumasamba sa Dios, na ang bahay niya'y karugtong ng sinagoga.

At si (B)Crispo, (C)ang pinuno sa sinagoga, ay nanampalataya sa Panginoon, pati ng buong sangbahayan niya; at marami sa mga taga Corinto na sa pakikinig ay nagsisampalataya, at pawang nangabautismuhan.

At sinabi (D)ng Panginoon kay Pablo nang gabi sa pangitain, Huwag kang matakot, kundi magsalita ka, at huwag kang tumahimik:

Read full chapter