Add parallel Print Page Options

At isinulat ni Moises ang kanilang mga pagyao ayon sa kanilang mga paglalakbay alinsunod sa utos ng Panginoon: at ito ang kanilang mga paglalakbay ayon sa kanilang mga pagyao.

(A)At sila'y nagsipaglakbay mula sa Rameses nang (B)unang buwan, nang ikalabing limang araw ng unang buwan; nang kinabukasan pagkatapos ng paskua ay nagsialis ang mga anak ni Israel na (C)may kamay na nakataas sa paningin ng lahat ng mga taga Egipto,

Samantalang inililibing ng mga taga Egipto ang lahat ng kanilang panganay, (D)na nilipol ng Panginoon sa gitna nila: na pati ng kanilang mga dios ay hinatulan ng Panginoon.

Read full chapter