Add parallel Print Page Options

10 (A)Sinong makabibilang ng alabok ng Jacob,
O ng bilang ng ikaapat na bahagi ng Israel?
Mamatay nawa ako ng (B)kamatayan ng matuwid,
At ang aking wakas ay magiging gaya nawa ng kaniya!

11 At sinabi ni Balac kay Balaam, Anong ginawa mo sa akin? (C)Ipinagsama kita upang sumpain mo ang aking mga kaaway, at, narito, iyong pinagpala silang totoo.

12 At siya'y sumagot, at nagsabi, (D)Hindi ba nararapat na aking pagingatang salitain yaong isinasa bibig ko ng Panginoon?

Read full chapter