Add parallel Print Page Options

19 Ngayon nga, isinasamo ko sa inyo, na (A)tumuloy rin kayo rito ngayong gabi, upang aking maalaman kung ano ang sasalitain pa ng Panginoon sa akin.

20 (B)At ang Dios ay naparoon kay Balaam nang kinagabihan, at nagsabi sa kaniya, Kung ang mga taong iyan ay nagsiparito, upang tawagin ka ay bumangon ka, sumama ka sa kanila: (C)nguni't ang salita lamang na aking sasalitain sa iyo, ay siya mong gagawin.

Si Balaam at ang asno ay sinalubong ng anghel ng Panginoon.

21 At si Balaam ay bumangon nang kinaumagahan, at siniyahan ang kaniyang (D)asno, at sumama sa mga prinsipe sa Moab.

Read full chapter