Add parallel Print Page Options

10 At pinisan ni Moises at ni Aaron ang kapulungan sa harap ng bato, at kaniyang sinabi sa kanila, (A)Makinig kayo ngayon, mga mapanghimagsik, ikukuha ba namin kayo ng tubig sa batong ito?

11 At itinaas ni Moises ang kaniyang kamay, at pinalong makalawa ang bato ng kaniyang tungkod: at ang tubig ay (B)lumabas na sagana, at ang kapisanan ay uminom at ang kanilang mga hayop.

12 At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Sapagka't (C)hindi kayo sumampalataya sa akin (D)upang ipakilala ninyong banal ako sa mga mata ng mga anak ni Israel, kaya't hindi ninyo dadalhin ang kapisanang ito sa lupain na aking ibinigay sa kanila.

Read full chapter