Add parallel Print Page Options

At yaong sumunog sa baka ay maglalaba ng kaniyang mga suot sa tubig at kaniyang paliliguan ang kaniyang laman sa tubig, at magiging marumi hanggang sa hapon.

At pupulutin ng isang taong malinis ang mga (A)abo ng guyang bakang babae at ilalagay sa labas ng kampamento sa isang (B)dakong malinis; at iingatan ukol sa kapisanan ng mga anak ni Israel na pinaka (C)tubig para sa karumihan: handog nga dahil sa kasalanan.

10 At yaong pumulot ng mga abo ng guyang bakang babae ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at magiging marumi hanggang sa hapon; at sa mga anak ni Israel at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, ay magiging isang palatuntunan magpakailan man.

Read full chapter