Add parallel Print Page Options

10 (A)Datapuwa't tinangka ng buong kapisanan na pagbatuhanan sila. (B)At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa tabernakulo ng kapisanan sa lahat ng mga anak ni Israel.

Ang babala ng Panginoon at ang pamamagitan ni Moises.

11 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (C)Hanggang kailan hahamakin ako ng bayang ito? at (D)hanggang kailan hindi sila mananampalataya sa akin, sa lahat ng mga tanda na aking ginawa sa kanila?

12 Aking sasaktan sila ng salot, at hindi ko sila pamamanahan at (E)gagawin kita na isang bansang malaki at matibay kay sa kanila.

Read full chapter