Add parallel Print Page Options

Purihin ang Panginoon,
Sapagka't dininig niya ang tinig ng aking mga pananaing.
Ang Panginoon ay aking kalakasan at (A)aking kalasag;
Ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan:
Kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam;
At aking pupurihin siya ng aking awit.
Ang Panginoon ay kanilang kalakasan,
At siya'y (B)kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis.

Read full chapter