Add parallel Print Page Options

Ang aming mga bihag,[a] O Panginoon, ay iyong ibalik,
    na gaya ng mga batis sa Negeb![b]
Yaon nawang nagsisipaghasik na luhaan,
    ay mag-ani na may sigaw ng kagalakan!
Siyang lumalabas na umiiyak,
    na may dalang itatanim na mga binhi,
ay uuwi na may sigaw ng kagalakan,
    na dala ang kanyang mga bigkis ng inani.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Awit 126:4 o kayamanan .
  2. Mga Awit 126:4 o Timog .