Add parallel Print Page Options

20 (A)Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel niya:
Ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita,
Na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita.
21 Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo niya;
(B)Ninyong mga ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan.
22 (C)Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga gawa niya,
Sa lahat na dako na kaniyang sakop;
(D)Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.

Read full chapter